Chapter 15

779 41 96
                                    

"Ama namin, sumasalangit ka."


Kumakanta na kami ngayon ng 'Ama namin' dito sa simbahan. Tinototoo ko yung sinabi kong maaga kaming magsisimba kaya heto 6AM palang nasa simbahan na kaming tatlo.


"You owe me a lot" bulong saakin ni Ava habang nagsisimba kami.


Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon nalang yung atensyon ko kay God. Naiinis kasi siya saakin kanina na maaga ko siyang ginising para magsimba tapos ngayon nasa gitna namin siya ni Adriell. Pinangako ko naman sakanya na magshoshopping kami at ililibre ko siya ng limang damit na gusto niya.


"For God's sake Mackey. Stop acting like a child. Mag-usap na nga kayo," pagpupumilit ni Ava saakin nung natapos na yung misa.


Kumulo naman yung dugo ko sa sinabi ni Ava, a child? So having a trauma here and was hurt again, is also me, acting like a child? 


Hindi ko nalang siya sinagot, baka pati kami magaway at kakatapos ko lang magsimba, bawal magalit.


Nandito na kami sa parking lot at papunta na kami ni Ava sa sasakyan niya.


Hindi ko pa nasasara yung pinto narinig kong tinawag na ni Ava si Adriell. What the hell is she doing? Agad akong bumaba sa kotse para marinig yung sinasabi niya.


"Ikaw na bahala" sabi ni Ava at pinagpalit yung susi niya at susi ni Adriell.


Hindi pa man ako nakakapagsalita, umalis na si Ava gamit yung sasakyan ni Adriell. So no choice, pumasok na ako sa shotgun seat at si Adriell naman pumasok sa driver's seat.


"San tayo?"


"Sa condo," sabi ko sakanya nang hindi tumitingin sakanya.


Pinaandar niya yung sasakyan and minutes later nasa parking na kami ng condo. Walang nagsalita saamin, wala rin gumalaw. Parehas lang kami nakatingin sa harapan.


"Sorry," panimula niya. I didn't say anything, waiting for him to continue. "For breaking your trust" 


I bit my lowerlip. Now I feel guilty, siguro nga tama si Ava.


"Ako dapat nagsosorry, hindi ikaw. Sorry for acting like a child. Wala naman tayo eh, kaya wala akong karapatan na masaktan at magalit sa nakita ko-"

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Onde histórias criam vida. Descubra agora