Chapter 7

787 49 122
                                    

"Kumain ka na muna kaya?" 


Inangat ko yung ulo ko mula dito sa binabasa kong libro at tumingin kay Mika na kumakain na sa harapan ko dito sa Mcdo. Tumingin naman ako sa menu sa counter pero napanguso rin dahil wala talaga akong ganang kumain ngayon.


Ilang linggo na ang nakakalipas pero wala pa rin paramdam si Adriell. Ako naman nagpapakabusy rin dahil malapit na ang midterms namin. Kailangan kong bumawi last prelims noh, dahil yung ibang grades ko mababa.


At distraction din ito mula sa kahihiyan na ginawa at sinabi ko kay Adriell. Mukhang ayaw na nga niya akong kausapin ng dahil dun.


"Hindi ako gutom" umiling ako at tinuon ulit yung sarili ko sa pagbabasa.


Bigla naman may lumapag na tray sa tabi ko kaya napatingala ako at nakita si Kenzo na nakatayo.


"Hindi gagana yang utak mo pag hindi ka kumain" umupo na siya sa tabi ko. "Sige ka, baliwala lang yang pagaaral mo na yan"


Nilapag niya yung 1 piece chicken with rice at ice tea sa gilid ng libro ko. Napangiti naman ako nang konti kay Kenzo nung nakitang breast part yung in-order niyang chicken para saakin, favorite ko kasi yun eh. 


Since favorite ko ay hindi ko na ma-resist tsaka tinago ko na yung libro ko at kinuha yung wallet.


"Wag na" sabi ni Kenzo ng hindi nakatingin saakin at nagsimula ng kumain nung kanya, "Bayad mo nalang saakin na kainin mo yan"


"Dami natin pera ngayon ah? Haha," biro ko sakanya at kinuha na yung kutsara't tinidor. "Thanks."


Hanggang sa matapos yung finals, wala sa oras ang pagkain ko kaya paminsan naiinis na saakin si Ava. Buti nalang hindi niya pa ako sinusumbong kila mommy. Wala na naman kasi akong nararamdaman! Hindi tulad nung highschool.


Napagisip isip ko rin na dapat magkaroon na kami ng closure nung ex ko at sa kabit niya na so-called 'kaibigan' ko dati para medyo um-ok na ako. Wala na akong masyadong iniisip pag pumasok ako ulit sa isang relasyon. Napagtanto ko kasi yung nangyari kay Adriell, yung nangyari sa past ay nakaapekto talaga saakin a dina-doubt ko sa pagkatao niya. Ayoko ng mangyari ulit yun kung may susunod man. Gusto ko rin makausap si Adriell, para humingi ng tawad.


Hay! Dami ko naman kailangan kausapin!


"AHH!" Sigaw ni Kim nung nastraight niya yung isang bote ng San Mig tsaka nilapag pabalik sa lamesa namin yung bote.


Tapos na lahat ng exams namin at nagkayayaan kami ng mga girls na mag-clubbing. Dumeretso na nga kami dito galing school eh, nakauniform pa ako. Buti nalang may jacket akong dala.


"Beat that!" Sigaw pa ni Kim sabay turo kay Rachel.


Napailing naman ako. She's completely wasted.


I saw Rachel smirked and get one bottle of San Mig. "Watch."

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now