Prologue

2.2K 61 175
                                    

"Mackey!"


Napalingon ako doon sa sumigaw at nakita ang bestfriend kong nakapigtails na nakatayo sa likod ng bahay namin, kumakaway saakin, napangiti kaagad ako at tumakbo papunta roon.


"Ava!" masayang sigaw ko habang tumatakbo papunta sakanya, hindi ko naman namalayan na may hole pala nandoon kaya sumubsob ako sa lupa na may bato bato pa. "Ah! Mommy!"


Agad naman lumapit sila Kuya saakin. Binuhat na ako patayo ni Kuya Lucas dahil siya ang unang nakarating saakin.


"Ang lampa talaga oh" I heard Kuya Xavier said.


Umiyak na ako dahil bukod sa sugatan ang tuhod at siko ko, paniguradong papagalitan pa ako nila mommy.


"Bakit ka kasi nagmamadali, hindi naman aalis si Ava doon" sabi ni Kuya Lucas habang pinapagpag ako ng konti, "Oh, tahan na"


"Mackey! Are you ok?" Tanong ni Ava nakakarating lang.


Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako, miss na miss ko na siya! Lumipat na kasi sila sa Manila at doon na siya nagaaral ng elementary kaya tuwing bakasyon ko nalang siya makikita.


"Ouch!" sigaw ko dahil sa sakit. Ginagamot na ni mommy ngayon yung mga sugat ko. Mahapdi!


"Diba sabi ko naman sayo, na wag kang tatatakbo sa hacienda? Anong ginawa mo? Ayan tuloy, nagkasugat ka pa" sabi ni mommy at hinipan ito para malessen yung sakit. "Masakit pa ba?"


Umiling naman ako kahit medyo pa pero hindi na katulad ng kanina na medyo nagdudugo pa dahil ginamot na iyon ng aking magaling na mommy!


I heard Ava hissed a little. It's like she feels my pain while watching my mother curing it.


Tumayo na si mommy at tinignan sila Kuya Xavier at Kuya Lucas sabay hampas sa mga ito, "At kayo! Diba sabi ko naman sainyo, bantayan nyo itong kapatid nyo"


"Binantayan nga po namin. Ang likot kaya niya! Takbo ng takbo kala mo may bulate sa pwet" sabi ni Kuya Xavier. Napatingin naman ako sakanya ng masama.


"Anong bulate sa pwet?! Kadiri! Wala ako nun!" Sabi ko sakanila pero nagmakeface lang si Kuya Xavier saakin.


"Oh, alam nyo nang malikot siya, hindi nyo pa mas binantayan! Jusko, Javier!"


"Ma, Xavier po. Wag nyong tagalugin pangalan ko. Ang panget" sabi pa ni Kuya Xavier at ayun nakatanggap siya ng hampas ulit galing kay mommy.


"Gisingin nyo na nga yung dalawa niyong kapatid, tanghali na oh!" sabi ni mommy at humarap ulit saakin. "At ikaw, Mackenzie Manansala, wag mo yan gagalawin kung ayaw mong maging peklat yan"


"What's peklat?" Tanong ni Ava na nasa tabi ko.


It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now