Chapter 37

810 31 112
                                    

"Saranghe mapanghe!"


Gago talaga tong si Kim, kakalapag lang namin sa airport kung ano anong lumalabas sa bibig. Lumayo nalang kami ng konti sakanya at kunyaring hindi namin siya kasama.


"Yey! Korea!" Sigaw ni Naomi at pinalupot na yung scarf sakanya dahil malamig daw sa labas at nagsnosnow na.


Nagpicture muna kami sa girls sa labas ng airport with our luggage katulad ng nakagawian namin. Iniipon namin kasi yun, for memories tapos nagselfie na kami nung kasama na yung boys.


Napalunok nalang ako nung narealize na dito pala kami magstastay sa hotel na tinuluyan namin ni Adriell noon. Shit. Sinasadya ata toh ni Rachel eh! Bwiset. Pero wala naman silang sinasabi kaya mukhang coincidence lang ang lahat.


"So," sabi ni Kim sabay halukipkip pagkapasok namin sa hotel room namin. Sama sama kami ng girls habang yung boys naman nasa kabilang kwarto lang, "Dito ba, Mackey? San dito? Nako. May nangyari talaga sainyo dito noh?"


Napaawang naman ako ng bibig, akala ko makakalagpas na ako dun! Aish. Kung naalala ko lang na mas maaga edi sana nagsuggest nalang ako ng ibang bansa na pwede naming pagbakasyonan ngayong pasko.


"Ay! Hindi nagshashare! Details! Details! Details!" Kantyaw ni Mia na halatang sabik na sabik na magkwento ako.


"Pucha. Pag ganyan talaga usapan, nabubuhayan na kayo eh noh" napailing nalang ako sa mga kaibigan ko.


Naglakad na ako papunta sa kwarto namin ni Ava at Naomi, dalawa lang yung kwarto dito pero sapat lang dahil kasya naman kami sa queen size bed.


Pero kung hindi, may extrang kutsyon naman na pwedeng higaan ng isa sa lapag.


Kinuha ko yung phone ko para sana makapagpost ng story sa IG kaso biglang may lumitaw na chat head sa screen ng phone ko.


Adriell Silvestre

Ingat.

Andyan na kayo?

Reply ka pag andyan na kayo.

Andito na kamiiiiii 🥶


Tuluyan na ako nagpost sa IG stories nang picture ko sakanila habang naglalakad sila sa airport kanina. I, then, captioned it with 'Here we go again! My foreves travel buddies ❤🧳🇰🇷' 


Lumabas na ako pagkatapos kong iligpit yung gamit ko at nagpahinga ng konti dahil aalis pa raw kami at since dinner time na naghanap na muna kami ng kainan.


"Punta tayong bar after!"


"Hanggang dito ba naman bar pa rin ang pupuntahan natin?" Sabi ni Ava kay Rachel.


"Atsaka gabi na, as much as I want to, anong oras naman tayo makakarating doon?" Tanong ni Kim at ngumuso naman si Rachel dahil doon.

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now