Chapter 29

693 32 97
                                    

"Matchy matchy pa talaga kayo ng soot ng Prince Charming mo ah"


I frowned from what Kim teased at me while looking at the lastest news on page of 'Manila Bulletin'.


"Mabilaukan ka sana dyan sa iniinom mo."


Pag iniisip ko talaga yung panahon na yun, na parang patay na patay ako kay Adriell at tinawag ko pa talaga siyang 'prince charming' ko, argh! 18 me, what the hell?


"Who's bitter now, bitch?" Sabi ni Kim sabay tawa pa ng mas malakas at tumayo na dahil kukuha pa raw siya ng drink.


Kumpleto kami ngayon, well halos. Wala pa kasi si Rachel, sa susunod na linggo pa raw darating buti nga si Naomi nandito, galing pa kasi silang ibang bansa ng asawa niya for business trip.


"Happy 30th Birthday Edward Izaiah!" Sigaw ni Mia pagkarating na pagkarating niya dito sabay yakap sa birthday boy.


"Bumabati ka ba o nangagago?" Medyo inis na sabi ni Edwin.


"Pwedeng both? Para masaya!" Tumawa si Mia sabay halik sa pisngi ni Edwin bago umupo.


"Salamat, Maria Irina." Pag ganti ni Edwin sakanya and tiningnan naman ni Mia ng masama si Edwin.


Natawa naman din kami doon, walang ibang nakakatawag ng buong pangalan namin kundi kami kami lang magbabarkada at syempre mga pamilya namin. Paminsan nga pinagsisihan kong sinabi ko yung buong pangalan ko sakanila eh, lalo na kay Kenzo. Tsk.


"Guys! Guys! Guys! Guys!" Atubiling sabi ni Naomi pagkabalik niya dito sa booth.


"Oh? Oh? Oh? Oh?" Barumbadong sagot naman ni Kenzo.


"Nakita ko si Adriell andito! Gagi, Mackey!" Sabi ni Naomi saamin.


"So?" Walang pake na sabi ko habang nagmimix pa ng drinks.


"Weh? Sinong kasama?"


Lahat kami napatingin kay Ava na parang mas interesado pa sya kaysa saakin. Unti unti rin niyang narealize yung inakto niya.


"I mean, whatever." Inisang shot na yung drink niya tsaka tumingin sa ibang direksyon.


It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now