Chapter 16

762 40 127
                                    

Adriell James Silvestre's POV.


"What do you want to be when you grow up?"


That's one of the hardest question that I couldn't answer.


Mas okay pa atang bigyan mo ako ng mathematical equation kesa itanong 'yan dahil wala talaga akong maisip na sagot noon. 


"Bakit hindi ka nalang maging doctor katulad ng mga magulang mo?" many would asked. 


And I would always respond to them, "I just don't feel like it"


I don't feel like following their footsteps even though I have a feeling that someday I will be forced in that path.


"Isa pang game!" 


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig papunta sa study table ko. "Sa thursday na pasahan ng Chapter 1 to 3. And we still haven't finished it yet."


Kaninang umaga pa sila andito at kanina pa rin kaming umaga naglalaro ng Xbox. Hindi ba naman sila nagsasawa parang ngayon lang nakahawak ng ganun, hays.


"Ang KJ nito!" Michael pouted. "Last na."


Hinampas siya ng unan sa mukha ni Caleb, "Nakakadiri, pare. Hindi bagay sayo"


Napailing nalang ako sa inakto nila at hinayaan na muna sila roon. Ang tatamad talaga nila, pero matatalino naman sila kahit papaano. Ewan ko ba kung bakit ko sila naging  mga kaibigan, nagising nalang ako isang araw palagi na silang nakatambay dito sa bahay. 


"Hoy! Magkwento ka nga." Narinig kong sabi ni Caleb at sabay silang pumunta sa magkabilang tabi ko. 


"Oh?" I responded without removing my eyes off the screen of my desktop. 


"Ano ng meron sainyo ni Tiana huh? Ikaw ah, baka may jowa ka na dyan hindi mo pa sinasabi saamin. Akala ko ba magkapatid tayo? Bakit may secrets?" Pagdadrama ni Michael.


"Wala," I immediately replied while typing something on our research document.


"Anong wala? Ginagago mo ba kami? Ano yun? Landian lang?" Sunod sunod na tanong naman ni Caleb 

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang