Chapter 4

937 58 174
                                    

"This is a friendly date, right?"


I grinned my teeth and forced myself to smile and nod at him.


Friendly date naman pala! Linawin muna kasi bago sabihing date! Umaasa na ako eh. Joke lang!


Jusko, halos mabugga ko sakanya yung iniinom ko kanina eh. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Mas mabilis pa ata yung tibok ng puso ko ngayon kesa kaninang tumatakbo ako eh!


Natahimik ulit kami at buti nalang dumating na yung pagkain. Bukod sa masarap yung pagkain, nagenjoy naman kasi nakasama ko yung crush ko. Nagfriendly date kami! Achievement na yun! Haha. 


Kahit na ako mostly yung nagsasalita. Nakikinig naman siya, paminsan minsan nagsasalita din. Hindi lang talaga siya mahilig makipagkwentuhan. I wonder kung nagkagirlfriend na siya.


"Nagkagirlfriend ka na?" I asked. He looked at me straight to the eye for a moment before he answered.


Umiling siya, "Nothing serious"


Weh? Etong seryosong gwapong taong ito, hindi pa nagkakaroon ng  girlfriend? Sabagay parang study first type siya na person. Pero kahit na! Impossible namang hindi pa siya nagkakaroon.


"Pero nagkaroon ka ng flings?"


"Oo."


Yun naman pala.


"Mga ilan?" curious ako eh! Bakit ba?! Titingnan ko kung gaano siya kalandi haha joke.


Tinaasan niya ako ng isang kilay, "Basta"


I pouted, "I bet, madami na. Hindi mo na mabilang sa sobrang dami. Ako kasi One serious at mga hindi pa ata lalagpas sa lima yung flings" Pagkwekwento ko kahit hindi niya naman tinatanong sabay tawa nung naalala nanaman yung nagiisang sinersyosong lalaking iyon.


Nakita ko siyang medyo sumeryoso yung mukha at kumunot pa nang konti yung noo.


"Bakit wala nang nasunod pagkatapos nung isa?"


"Uy! Curious na siya." Asar ko sakanya at medyo napairap naman siya saakin.


"I'm just asking."


Ganun na rin yun! Curious ka na rin saakin.


Sumubo muna ako sa pagkain ko at nilunok ito bago ko siya sinagot ng seryoso.


"Trauma, I guess? Siya kasi yung first ko, first love and first heartbreak pero wala na yun." I gave him a small smile. "Ikaw ba? Bakit wala ka pang seryosong relationship?"


Nagkibit balikat naman siya at kumain nalang nang tahimik.


It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now