Chapter 22

639 34 70
                                    

"And they live happily ever after. The end"


I was reading some princess stories for Sofia using the books that I bought for her, well actually I was kinda helping her to read. 


"Nagustuhan mo ba, baby?" tanong ko sakanya at tumango naman siya habang nakangiti, "Gusto mong isa pa?"


Umiling naman siya. "Pwedeng laro muna po?"


Medyo natawa naman ako doon at pinakawalan na siya para makipaglaro sa ibang bata. Nandito na kami ngayon nila mama lola sa orphanage para magbigay ng regalo sa mga bata at syempre para dalawin na rin si Sofia, bago matapos bakasyon namin. 


"Oh." Nagulat naman ako nang may biglang may lumitaw na water bottle sa harap, napatingin naman ako dun sa naghahawak, si Adriell pala. 


"Thank you," sabi ko at kinuha 'yon. Nakabukas na 'yon kaya uminom nalang ako. 


Tumabi na siya saakin at parehas namin pinagmasdan yung mga batang naglalaro sa harap namin. Binalik ko na sakanya yung water bottle na binigay niya saakin.


"Naalala ko talaga yung sarili ko sakanya" sabi ko kay Adriell habang tinitignan si Sofia, "Yung hilig niya sa mga princesses at yung mas gusto pang maglaro kesa magbasa" tuloy-tulou kong kwento sakanya tsaka natawa sa sinabi ko. 


"Is that why you call me your prince charming?" 


Nilingunan ko naman siya at pinangsingkitan ng mga mata. Ganun ba kalantad ang tawag ko sakanya? Hindi naman ah! Hindi ko pa nga ata nababanggit sakanya yun dahil nahihiya ako eh. 


Nagkibit-balikat naman siya. "I just heard"


Medyo sinikuan ko naman siya. "Sus. Alam ko naman na yung mga kaibigan ko yung nagbuking saakin. Psh, madadaldal yung mga yun eh."


"Well, you're kinda the one who said it to me, though"


"Huy, hindi kaya? Ako ba?" nagtatakang tanong ko.


He just laughed and drank some water from the water bottle that he gave me earlier. 


Sinandal ko naman yung ulo ko sa balikat niya at tinignan ulit yung mga bata. 


"I just talked to the nuns, they said that Sofia will be going to school next school year" 

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now