Chapter 5

867 54 114
                                    

"Wait lang! Bakit ka ba nagmamadali?"


Hinabol ako ni Mika palabas ng classroom namin nung natapos na yung last subject namin ngayong araw. Time check, it's 4PM.


Asan na kaya yun? Sabi niya mamaya! Ngayon na yung mamaya! 


At bakit ba yun andito kanina? Sabi niya sa Friday pa siya pupunta ulit? Ang gulo ah.


McknzMnnsl: Hi! Asan ka? May klase ka pa?


Ilang segundo kong tinignan yung phone ko hanggang sa makitang nagactive now na siya.


ASilvestre is typing...


Parang bumilis yung tibok ng puso ko at tumingin sa paligid, baka sakaling andito siya.


"N-nakakaloka ka sis! Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Mika na hingal na hingal kakahabol saakin.


Sabay kasi kami uuwi nito ngayon. Hindi ko siya pinansin at tinuon ulit yung sarili sa phone.


ASilvestre: Yeah.


I pouted. So hindi matutuloy yung 'mamaya nalang' namin. Nagexpect pa naman ako ng slight kahit alam kong may klase siya.


I should be considerate. Ang layo ng Ermita sa Espana ah! Sayang gas.


Naglalakad na kami ni Mika palabas ng campus habang nagdadaldalan nang maramdaman ko na nagvibrate yung phone ko.


"Teka ka lang," sabi ko sabay tingin sa phone ko.


From: Nami

Uuwi ka na ba kaagad? Starbucks muna tayo. Please? Ayoko pang umuwi saamin eh.


Sasagot na sana ako kaso biglang nagvibrate ulit yung phone ko at nagpakita ang isang notification sa taas ng screen.


ASilvestre: I'm on my way there.


Nanlaki ang mga mata ko at nagtype kaagad sakanya.


McknzMnnsl: Huh? Akala ko ba may klase ka pa?

ASilvestre: Kakatapos lang.

McknzMnnsl: Huy okay lang! Wag muna tayo magkita. Baka busy ka tsaka traffic din.

ASilvestre: May dadaanan din ako dyan. Magkita tayo after.

McknzMnnsl: Nagtytype ka ba habang nagdadrive?! Hala! Wag ka na sumagot! Sige na, sabihin mo nalang kung andito ka na. See you. Ingat!


Seen. 


Hindi na nga siya sumagot. Humarap na ulit ako kay Mika na napatingin din saakin tsaka ngumiti.

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now