CHAPTER 11

2K 76 3
                                    

CHAPTER 11: THE POWER OF BEING RICH

Nanatili kaming apat sa loob ng opisina. Si Verux at Chase ay pupuntahan ang pinangyarihan para mangangalap ng impormasyon.

Panay ang asaran nina Ferux at Inara habang kami ni Thalia ay nanatiling tahimik habang nagmamasid sa dalawa.

"Nasa loob lang rin ba ng University ang may kagagawan nito?" tanong ko. Natigilan ang dalawa sa pag-aasaran. Umayos ng upo si Ferux at bumalik sa pagiging seryuso.

"Sa ngayon masasabi naming nasa loob ang may kagagawan no'n." sagot ni Thalia.

"Paano nakapasok ang gumawa no'n dito? Paano sila nakapasok sa Yugen?" sunod-sunod na tanong ni Inara.

Napabuntonghininga si Ferux habang si Thalia naman ay seryuso siyang tiningnan na parang sinusuri.

"Simple lang, maaring estudyante sila o 'di kaya isa sa mga sponsor dito sa University." seryusong sagot ni Ferux. Tumayo ito at lumapit sa mga kahon na naglalaman ng mga aklat na hindi pa namin nailalagay sa bookshelf.

"Kailan ito nagsimula?" tanong ko.

"Ten years ago? Aha! Ten years ago. Nakapangasawa ang apo ni Mr. Kaishi ang founder ng University. This man found out the secret of Yugen University." ani Thalia.

May sasabihin pa sana si Thalia ngunit hindi na ito naituloy dahil sa biglaang pagtawa ni Ferux. Tiningnan lang namin siya tumawa hanggang sa hindi na nakatiis si Thalia at binatukan ito.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong ni Thalia.

"Wala, naisip ko lang kasi na ang dami pa pala nilang dapat malaman. Ang dami pang bagay na hindi nila alam. Isa pa, kailangan rin natin malaman kung ano ang ability nilang dalawa," wika nito at muling bumalik sa pagiging seryuso.

Tama si Ferux. Marami pa kaming hindi nalalaman. Marami pang tanong sa aming isipan na kailangan rin ng mga kasagutan. Sila lang ang makakatulong sa amin dahil matagal na sila dito.

Napapalakpak si Thalia kaya naman nabaling ang tingin namin sa kanya. Para siyang bata na excited na pumunta sa peryahan.

"May na-isip ako." Ngumiti siya at isa-isa kaming tiningnan. "What if sa P. E room tayo mag-stay lahat at doon namin sasabihin at sasagutin ang lahat ng bagay na dapat n'yong malaman. What do you think, Girls?" Biglang siyang binatukan ni Ferus.

"Makapagdesisyon, Thalia. Ang bilis ha." giit ni Ferux.

Uso ba ang batukan sa Class A? Jusko!

"Hindi masakit ang batok mo. Nakakainis ka!" Bulyaw niya kay Ferux.

"Wag basta magdesisyon. We need Chase's approval since siya ang matagal na dito sa Yugen. Siya ang nakakaalam lahat."

Bakit parang lahat na lang si Chase?

"Wuy! Ano kaya kung mag-camping tayo. Doon na lang natin pag-usapan ang lahat habang may apoy sa gitna para dama," bigang singit ni Inara.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano na naman kaya ang nasa isip nitong bruha na ito. Nakalimutan na ba niya?

"Inara," sabay-sabay naming bulyaw sa kanya. Napayuko ito dahil sa hiya, kalauna'y natawa na rin ito at nakisabay sa amin.

"Sorry na, nakalimutan ko lang." aniya.

Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Chase at si Mr. Hayataou. Akala namin ay sila lang ngunit kasama rin pala si Mr. Escletus.

Bumati kami sa kanila.

"Anong balita?" tanong ni Ferux kay Chase. "Asan si kambal?" paghahanap nito kay Verux.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now