CHAPTER 39

1.1K 50 2
                                    

CHAPTER 39: WORDS OF FIRE

Nang makarating kami sa loob ng safe zone ay nabawasan ang pagkabahala namin. Pumasok kami sa safe area kung saan kami matutulog. Nilagyan lang ito ng mga kama at hati sa gitna para ihiwalay kaming mga babae sa lalaki. Hindi na namin pinagkaabalahan pang ayusin ang mga gamit namin. Itinabi na lang namin ito sa kama namin.

Tila ni isang nyebe ay hindi dumapo sa safe zone, siguro ay target lamang talaga nila ang mga estudyanteng nag-aaral dito.

Muli kong naalala ang sinabi ni Mr. Hayatou. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa sinabi niya ngunit nang hinanap ko siya ay hindi na mahagilap ng aking mga mata kahit na ang anino niya.

"Sorin," tawag ni Feryx sa akin. Patakbong lumapit ito sa akin. Sumilong siya sa ilalim ng puno kung saan ako nakapwesto.

"Sabi ni Chase kailangan daw nating mag-ensayo kaya tayo narito at para na rin maging ligtas. Tumayo ako at saka siya nginitian.

"Sige."

Napagkasunduan naming mag-ensayo at kapwa kami ang magkakalaban. Sa isang team ay dalawang tao. Si Inara ang partner ko, habang si Chase at Thalia naman sa isang grupo at ang kambal na panay ang bangayan. Nangalat kami sa kakahuyan sa loob ng safe zone kung saan kami sinubukan noon ni Mr. Hayatou. Sa lakas ng pandama ko ay alam kung may papalapit sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang bolang apoy papunta sa direksyon ko. Tumakbong ako at nang makakita ng puno ay doon ko ibinigay ang pwersa ng aking paa at saka umikot sa ere nang patalikod. Butas ang katawan ng puno na tinamaan ng apoy ni Verux. Maya-maya'y isang malakas na hangin ang sumampal sa pisngi ko ngunit hindi naman ganoon kalakas. Walanghiya kayo, kambal.

I close my eyes and feel the vibration of the ground. Pinalilibutan niya ako. Hinayaan ko lang na magpaikot-ikot siya. I open my eyes as I feel his presence. Mabilis kong sinalag ang kamay ni Verux. Kaliwa kanan ang pagsuntok niya ngunit nasasalag ko ito. Masyado siyang mabilis para matagalan ko ang pakikipaglaban niya.

Umupo ako sa lupa at pinadulas ang aking paa. Off guard. Natumba siya. Ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang itsura ni Verux. Inilahad ko ang kamay ko para tulungan siyang makatayo. Hindi pa man siya nakakabawi mula sa pagkakaupo niya, agad kong tinapik ng malakas ang tyan niya.

Napaurong ito at napangiwi. Nang makabawi ay nginisian niya ako.

"Galing!" aniya. Umiling ako at pinagmasdan ang bawat kilos niya. Someone is behind me. I feel the heat at the back of my head. I took a glimpse and I saw another fireball. Yumuko ako para iwasan ito.

"Shit!" mura ni Verux. Mabuti na lang ay mabilis siyang naka-iwas kundi sa kanya ang punta ng umaapoy na bola mula sa kakambal niya.

"Ako talaga target n'yo, ha."

"Hoy! Ferux. Ayaw kong maging letchon na tao," sigaw ni Verux. Napangiti na lang ako dahil sa dalawa maging sa ganitong oras ay hindi nawawala ang kanilang bangayan.
Sunod-sunod na nagpakawala si Ferux ng maliliit na apoy at halos nasusunog na ang mga tuyong dahon sa kinatatayuan namin.

Napatingin ako sa itaas ng ikatlong puno mula sa kinatatayuan ako. Nakaupo roon si Ferux at ang lahat ng daliri niya ang nagliliyab. Muli niya itong pinakawala. Damn! Wala na si Verux. Wala akong makitang pansalag. Kinapa ko ang likuran ko para kunin ang katana ngunit wala ito rito.

Ang katana ko! Naalala kong hindi ko ito nakuha sa lagayan kanina basta pumunta na lang ako rito nang makapagbihis. Nakita kong magkasama na ang kambal sa itaas.

Mamaya kayo sa akin. Napaurong ako dahil papalapit na sa akin ang apoy. May tumunog sa paanan ko na tila nabali. Napatingin ako rito at isa itong sanga na may sapat na laki at haba mula s apagkakaputol. Dinampot ko ito at ipinalo sa unang apoy na malapit sa akin.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now