CHAPTER 6

2.5K 104 3
                                    

CHAPTER 6: YUGEN CLASS A

Nagising akong nang maamoy ang napakabangong pagkain. Pakiramdam ko ay naadik ako sa amoy nito na siyang dahilan nang pagkalam ng sikmura ko.

Wala na si Thalia sa higaan habang si Inara naman ay nagising noong bumangon ako.

"Good Morning," bati ko kay Thalia. Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa pagluluto ng almusal.

"Ang bango naman" puri ko rito. Wala pa rin akong nakuha kahit na isang salita.

Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Paglabas ko ay ang kaninang tahimik na Thalia ay ngayon nagsusungit na at tila may kaaway pa.

"Kababae mong tao ang bastos mo," bulyaw niya kay Inara. Napatingin naman ako kay Inara. Ngumiti ito sa akin at lumapit sabay humalik sa pisngi ko.

"Good Morning," bati niya sa akin.

"Hoy! Magmumog ka nga muna at ayusin mo sarili mo," sermon ko sa kanya.

"Ang sweet n'yo talagang dalawa. Kayo na nga binati, e. Bahala nga kayo d'yan." Padabog na pumasok siya sa banyo at pabagsak niya rin itong isinara.

"Parang bata. Nakakagigil!" inis na sabi ni Thalia.

Tinulungan ko na lang siyang maglagay ng plato sa mesa niya na tamang-tama sa aming tatlo.

"Thalia, p'wedeng magtanong?" pagbasag ko ng katahimikan.

"As long as related sa dinisscuss ko kagabi," malamig na sagot niya sa akin.

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Dapat ko pa bang itanong?

"Hala, ang bango," makikita sa mata ni Inara ang pagkatakam mula sa nga niluto ni Thalia.

Tiningnan ko si Thalia. She smiled pero binawi niya agad, iyong tipong ayaw niyang may makakita sa kanyang pagngiti.

"Kung wala ka namang tanong at hindi related ang tanong mo sa mga sinabi ko kagabi maupo ka na at kumain. Ayaw mo naman sigurong ma-late sa unang araw ng klase mo," aniya. Umupo na siya at sumandok ng kanin.

Naupo na lang rin ako at hinintay matapos si Inara sa pagsandok.

Tahimik kaming kumain at nang matapos ay nag-asikaso na ng sarili.
Naunang maligo si Inara at nagpahuli naman ako.

By season ang uniform. Kapag mainit ang panahon ay nakaskirt kami at while na uniform na pang-itaas na hindi nalalayo sa polo ang itsura. Kapag maulan naman ay papatungan itong black coat. Sa dibdib nito ay may bulsa at logong Yugen University.

Black high socks and black shoes. Mayroon rin namang P. E Uniform. Black ang sleeve niya at may logo rin ng campus sa bandang dibdib.

"Tara na, malamang naghihintay na ang mga 'yon," aya ni Thalia at saka lumabas ng silid.

Anong oras na ba?

Sumunod na lang kami ni Inara kay Thalia. Sa hindi kalayuan ay natanaw namin ang dalawang lalaki na tila nag-aasaran, habang ang isa ay tamad na nakasandal sa pader at nagmamasid sa kanila habang nakapamulsa ang mga kamay.

"Hey, Girls," umalingawngaw ang boses ni Verux sa pasilyo. Napatingin naman ang dalawa sa direksyon namin.

Kumaway naman si Inara sa kanila habang kaming dalawa ni Thalia ay tahimik lang.

Pansin kong napaiwas ng tingin si Ferux nang kumaway si Inara. Ayaw ko sanang bigyan ng ibang kahulugan ngunit nang makalapit kami dito ay nanahimik ito at tumabi kay Chase.

Nahuli ko namang nakatingin si Chase sa amin at nang lingunin ko siya ay napaiwas ito ng tingin at umayos ng tayo.

Kinakausap pa ni Verux si Thalia.

Yugen University - [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin