CHAPTER 12

1.8K 86 9
                                    

CHAPTER 12: DID YOU KNOW?

Dalawang araw na mula noong mangyari ang pag-suicide daw ng binatilyo. I do not know why they keep on telling that it was a suicide. Kitang-kita naman na murder ang isang 'yon. Hindi pa ba sapat ang nakasulat sa isang banner.

The situation seems normal. Dalawang araw na ngunit parang walang nangyari. Nagtataka tuloy ako sa kanila, are they worried? Are they scared?

Napabuntonghininga na lang ako habang pinagmamasdan ang mga estudyante sa field. P.E time nila ngayon kaya naman maraming nangangalat na estudyante at ginagawa ang ibang activity nila. Kanina pa ako nandito habang hinihintay si Thalia. Nasa loob siya ng opisina ni Mr. Hayatou at hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya roon.

"Tara na," biglang sabi ni Thalia na nasa likuran ko na pala. Nauna na siyang maglakad at sumunod na lang ako sa kanya. Papunta na kami ngayon sa building ng Yugen Class A.

"Anong sabi ni Mr. Hayatou?" tanong ko kay Thalia para mabasag ag katahimikan sa pagitan naming dalawa. The rest of the members was waiting for us in the office. I don't know why did Thalia bring me with her. Hindi ako sanay sa ganitong trato niya sa akin. Kadalasan ay nagsusungit siya pero ngayon ay wala namang imik.

Ini-scan na namin ang sarili pati na ang aming ID. Naabutan naming busangot ang mukha ni Inara habang ang kambal ay walang imikan. Si Chase naman ay nagbabasa lang habang nakaupo sa sofa at tila walang pakialam sa mga kasamahan.

"What happened?" tanong ko. Wala ni isa ang sumagot sa akin. Ang kambal ay masama lang ang tingin sa isa't isa. Inilapag naman ni Chase ang librong hawak sa mallit na mesa na katapat niya.

"They argued because of that girl." Itinuro ni Chase si Inara.

"Ano ba kasing nangyari ha?" inis na sabi ni Thalia.

"Verux teased Inara," malamig na tono ni Ferux.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kambal hanggang sa nagsalita muli si Chase kaya naman lahat ng atensyon namin ay nasa kanya. "Guess what, Ferux did that." Itinuro niya ang pader na nangingitim na tila nasunog.

"What the! Ferux you used your ability here because your twin teased Inara?" bulyaw ni Thalia rito. Napayuko na lang si Ferux. "Lagot tayo kay Mr. Hayatou kapag nakita n'ya 'yan. Tsk! Mabuti na lang ang bilin n'ya ay ayusin natin itong opisina natin. Ilagay na ang mga libro at ayusin na ang arrangement ng loob. Kailangan natin itong matapos ngayong araw." Nakahawak si Thalia sa kanyang baywang habang nagdadaldal. Animo'y isa siyang nanay na pinapagalitan ang kanyang mga anak.

Napatingin ako kay Chase na muling nagbabasa ng libro. Lumapit ako sa kanya at hinablot ang librong binabasa niya.

"All this time nagbabasa ka ng libro at hindi man lang sila inawat? Ganyan ka ba sa mga kasamahan mo, ayos lang sa 'yo kung magpatayan na sila?" inis na bulyaw ko kay Chase. Tiningnan lang ako nito at hinablot ang libro na inagaw ko kanina sa kanya. Magbubukas pa lang siya ay muli ko itong kinuha.

Hinawakan niya ang libro at pilit na kinukuha ito sa akin. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang makuha niya pa ang libro.

"Hoy! Tama na 'yan mga bata. Marami pang libro rito, wag kayong mag-agawan sa isa lang," bulyaw ni Thalia sa amin.

"Bakit pa mag-aagawan kung p'wedeng share na lang?" natatawang sabi ni Verux.

"Shut up!" sabay na sigaw namin ni Chase sa kanila.

Napasipol naman si Ferux habang si Inara naman ay nakatingin lang sa amin habang hawak-hawak ang mga gamit pang-linis.

Ibinalik ko ang paningin ko kay Chase at pilit na hinihila ang libro. Nakipaghilahan rin siya ngunit hindi niya makuha ito sa akin. Napakunot ang noo niya.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now