CHAPTER 48

1K 40 1
                                    

CHAPTER 48: NOT LIKE YOU

Mahigit isang oras lang siguro ako nakapagpahinga dahil agad hindi humihinto ang sakit mula sa aking leeg dulot nang kagat ng isang insekto. Tila nanunuot ang sakit nito hanggang sa aking buto na siyang nagpapahirap sa aking paghinga.

Napagpasyahan kong hindi na matulog at magpatuloy sa paglilibot sa paligid. Sa paglilibot ko hindi mawawala ang ilang panganib sa aking nadaraanan. Ilang kasali na rin sa laro ang nakasagupa at naopatay ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa aking nararamdaman, hindi ako pwedeng maging mahina dahil katulad ko lang din ang aking mga kagrupo na umaasang magkikita-kita pa hanggang sa matapos ang laro.

Napaatras ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isang lalaki na ma sugat sa kanyang pisngi. Hawak-hawak niya ang isang kutsilyo na may bahid pa ng dugo. Diretso itong nakatingin sa akin at malawak ang kanyang ngiti.

Itinapat niya ang kanyang kutsilyo sa kanyang harapan at kinausap ito na para bang isang tao. "Baby, mukhang mababahiran ka na naman ng dugo."

Mabilis itong sumugod, agad naman akong tumagilid para iwasan ang hawak niyang kutsilyo. Hindi ko alam kung bakit tila wala akong nararamdamang pangamba sa kanya hindi katulad ng nauna kong nakasagupa.

Muli ako nitong nilapitan. Sunod-sunod ang kanyang paghawi sa hangin at ang kanyang kaliwang kamay ay nakasuporta sa kanyang isang kamay.

"Close combat?" bulong ko.

Isinabit ko ang aking katana sa aking likuran. Muli siyang sumugod at panay ang wasiwas sa hangin ng kanyang kamay na may hawak na kutsilyo. Panay ang iwas ko upang hindi matamaan.

"Yan lang ba ang alam mo?" Inis kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi pamamawisan ang aking kili-kili sa kanya.

Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at nakaamba na ang kanyang kutsilyo malapit sa aking leeg. Tinapik koi to at hinawakan ang kanyang braso, pinilipit ko ang kanyang braso kaya namang dumaing siya dahil sa ginawa ko.

Determinado siyang patayin ako kaya naman panay suntok pa rin ang isa niyang kamay. Napangiwi ako dahil sa ginawa niyang pagtapik sa aking leeg na may kagat ng insekto. Nabitawan ko siya at napaurong ako. Hinawakan ko ang aking leeg, dumudugo na ito.

Nakitang pinulot niya ang kanyang kutsilyo at mabilisan itong ihinagis papunta sa aking direksyon. Agad akong lumiyad para iwasan ang kanyang kusilyo. Tumusok ito sa katawan ng puno at sa pagkakatusok na 'yon ay mukhang mahihirapang humugot ang magtatangkang kunin ito.

Ramdam ko ang init sa aking sa aking katawan na unti-unting tumataas sa aking mukha. Pakiramdam ko ay nasusunog ang aking mata. Pumikit ako para pakalamahin ang sarili. Pagmulat ko ay nakita ko kung paano pumalibot sa lalaki ang kulay asul na usok. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.

Napailing na lang ako at muling ipinikit ang aking mga mata. Pagmulat ko ay wala na ang asul na usok sa lalaki. Ang kaninang pagtataka ay napalitan ng galit sa kanyang mukha kaya naman muli itong umatake at sunod-sunod ang kanyang pagsuntok. Umikot ako sabay hinugot ang katana sa aking likuran at pinatamaan ang kanyang likuran. Napaluhod ito at dahan-dahang bumagsak sa lupa. Kita ko kung paano lumabas ang dugo sa kanyang bibig.

Pinatihaya ko ito, bakas sa kanyang mata ang sakit, malamang sa pagkakahilis ng kanyang laman sa kanyang likuran. Kutag-kita ng dalawa kong mata ang pagbagsak ng kanyang luha. Inaabot nito ang aking kamay at nagpapailing-iling pa. May sinasabi ito ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Lumitaw ang hologram sa ibabaw ng lalaki kasabay nito ang isang anunsyo.

"Camnor University, WIPEOUT!"

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now