CHAPTER 7

2.4K 86 6
                                    

CHAPTER 7: SYMBOLS

Biyernes ngayon at nagkaroon ng biglaang pagpapatawag sa amin. Lunes at Martes namalengke at binasa ang librong ipinahiram sa amin habang ang Miyerkules at Huwebes ay inilaan namin sa paglilibot at pagkakabisa ng bawat sulok.

I hate memorizing things.

Hindi naman kami pinabayaan ng oldies na member ng Yugen Class A maliban lang kay Chase na ilang araw nang wala dahil may ipinapagawa raw dito si Mr. Hayatou. Sinamahan kami ng kambal at Thalia maglibot-libot nitong mga nakaraang araw.

Kung minsan ay nawawala na lang ang tatlo at hinahayan kaming mahanap sila. May oras rin na nahihiwalay kami ni Inara kaya naman ang ending kapag nagkikita-kita na ay umiiyak si Inara.

Inara was soft and childish. Parang hindi siya mabubuhay kung wala siyang masasandalan. Hindi niya kaya maging isang independent na tao.

Kailangan ay parati mayroon siyang kasama. Isa pa, hindi yata mabubuo ang araw niya kung hindi nakakapagdaldal. Her mood was different from us. There's a time she's very shy, sometimes talkative, sometimes childish and sometimes hard to understand. There's an instance she's acting like an adult. But the things I am very sure is she's caring, sweet and lovely.

"Hey, Wala pa rin ba si Chase?" tanong ni Verux sa akin. Sarado pa rin kasi ang opisina at naghihintay lang kami sa labas nito nang maabutan kami ng kambal.

"Nasaan si Thalia?" tanong naman ni Ferux kay Inara. Nagkibit-balikat lang si Inara at hindi na naman nagsalita.

"Bakit daw ba nagkaroon ng biglaang meeting?" tanong ko naman sa kambal.

"We don't know yet. But, we have this urge that there is something happen kaya wala rin si Chase nitong mga nakaraang araw," sagot sa akin ni Verux. Tumango-tango naman si Ferux bilang pagsang-ayon niya sa kanyang kakambal.

"Thalia," tawag Inara. Napalingon kami kay Thalia na kararating lang. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Halatang naiinis o galit siya. Well, ganito naman siya palagi mula noong makasama namin siya.

"Bakit sarado pa?" walang emosyong tanong niya sa amin.

"Wala pa si Chase. Hindi ko nga rin alam kung bakit ipinakuha ni Mr. Hayatou ang mga ID natin." Balisa si Verux na tila may nararamdamang panganib. Halata rin sa mukha niya na marami siyang tanong na kinakailangang masagot. Kalmado lang naman si Ferux at si Inara.

Noong isang araw ay ipinakolekta kay Ferux ang mga ID namin. Hindi man namin alam ang dahilan ibinigay na namin ito sa kanya. Utos daw iyon ni Mr. Hayatou kay Chase na inutos naman niya kay Ferux.

"Hindi n'yo pa alam?" tanong ni Thalia sa amin. Lahat naibaling namin ang atensyon kay Thalia. Dismayado ang pagmumukha niya dahil sa isang bagay.

"Ano ang hindi pa namin alam?" Tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa mga kasama ko halata rin ang pagkalito sa kanila. Wala nga talaga ang nakakaalam sa amin kung ano man ang sinasabi ni Thalia.

"Noong Lunes ng gabi ay nilooban ang opisina ng Class C. Maging ang classroom nila ay pinasok rin. Tila ba may hinahanap na papeles ang mga nang loob dito," pahayag ni Thalia.

"Kaya hihigpitan ang security ng offices lalong-lalo na sa atin. You know, marami tayong information na exclusive sa atin. Hindi dapat mailabas sa buong school ang ability natin dahil kapag nangyari 'yon, panigurado durog tayong lahat," dagdag pa ni Thalia.

"If it is exclusive to us, how could you open that topic outside our office?"

Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso. Ang boses niya ay parang isang striktong emperor at nag-uutos na patayin ang isang rebeldeng nakapasok sa teritoryo niya.

Yugen University - [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя