CHAPTER 38

1.1K 51 4
                                    

CHAPTER 38: A TREAT

Nagising ako na nasa loob na ako ng kwarto ko. Sa pagkakaalala ko ay nagbabasa ako ng libo kagabi. Napabalikwas ako nang may maalala. Si Chase.Dali-dali akong naglakad papunta sa maliit kong sala. Wala nang tao rito. Maayos na rin ang mga libro sa maliit na mesa.

Napatingin ako sa bintana na kulay kahel ang liwanag mula sa labas. Mukhang kasisikat lang ng araw. Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang heater. Nagpainit ako ng tubig para magluto muli ng instant noodles. Nang kumulo at naluto ang noodles ay dinala ko ito sa sala at doon kinain. Maaga pa, ang call time namin ay palaging alas otso. Napadako ang tingin ko sa isang supot na nasa tabi ng mesang maliit.

Ipinatong ko ang kinakain ko sa mesa at nakita ang isang sticky note na nakalabas ang kalahating bahagi ng papel na naka-ipit sa libro.

At Office. Wear the protective equipments.

– ZC

Binuklat ko ang supot at kumpleto ang mga ito mula ulo hanggang paa, may mask at dalawang goggles. Inilabas ko na ang mga ito at inilapag sa ibabaw ng kama ko. Bumalik ako sa sala at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos kumain ay nag-asikaso na ako. Nang papunta na ako sa kwarto ay muling napadako ang mata ko sa papel na nasa mesa. Dinampot ko ito at dinala sa kwarto. Itinago ko ito sa isang box kasama ng nauna niyang note.

Hirap na hirap ako sa pagsusuot dahil kailangan ay wala ni isang alikabok ang makapasok sa katawan ko. Mukang hindi naman kami bibigyan nito kung walang ibang dahilan. Sa tingin ko ay may kaugnayan ito sa pagbagsak ng mga nyebe kahapon.
Kasabay kong lumabas si Inara. Nagkatinginan pa kami nito at bago kami kumaway sa isa't isa. May mangilan-ngilan na nakasuot rin ng katulad sa amin pero hamak na mas matatangkad sila kaysa sa amin ni Inara. May dala-dala silang pang-spray na at ang isang grupo naman ay usok ang inilalabas mula sa hawak nilang gamit.

"Class A, sa opisina kayo dumiretso may mahalagang sasabihin si Mr. Hayatou sa inyo." Wika ng isang babae mula sa grupo ng nag-spray ng liquid. Ini-spray niya ang bawat kanto ng pinto ng dorm ko at ganoon rin kay Inara.

"Sabay na tayo," Aya ko kay Inara.

"Mauna ka na roon, bibili lang ako nang makakain. Nakalimutan ko kasing bumili ng stock kahapon kaya hindi ako nakakain ng umagahan. Tumango na lang ako at naglakad na. Katulad ng sinabi ng babae, dumiretso na ako sa opisina. Naabutan kong may dalawang nakabantay rito. Napatingin ako sa kamay kong nababalutan ng gloves. Paano ko i-scan ang marka ko? Nagulat ako nang biglang spray-an ako ng isa at pausukan naman ng isa.

"Five seconds, pakitanggal ng gloves at i-scan."

Sinunod ko naman ang sinabi nito agad naman akong pumasok sa loob. Napahinto ako sa pintuan nang makita ang plastic na mula kisama hanggang sa paanan. May nakadikit dito na note na kinakailangang hubarin ang PPE at itapon sa basurahan. Nang matapos ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa mesa kung saan madalas kaming nag-uusap. Lahat sila ay naibaling ang atensyon sa akin.

"Sorin," Sigaw ni Verux sa pangalan ko at kumaway-kaway pa. Parang kahapon lang naman kami nagkita-kita parang isang taon na sa kanyang ang isang oras maka-react.

"Kumain ka na?" Tanong pa nito sa akin. Tumango naman ako at marahan hinila ang upuan at saka naupo.

Napatingin ako kay Chase na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro. Tamang-tama ay napatingin rin ito sa akin. Sumenyas ito na huwag maingay. I gave him a 'That's mine' look.

Ibinaba niya ang libro at isinuksok sa jacket niya. Naglakad ito palapit sa mesa namin at naupo sa harapan ko.

"Nasaan si Inara?" Tanong niya.

Yugen University - [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora