CHAPTER 40

1.2K 57 0
                                    

CHAPTER 40: MULTIPLE ABILITY

Maagang nagising kaming anim. Agad kaming nagluto ng agahan. Kakausapin ko sana si Chase na naglilinis ng kalat nila kagabi ngunit nang makalapit ako sa kanya ay nilampsan niya lang ako. Nangunot ang noo ko dahil sa inasta niya sa akin ngayong umaga.

"Hey, Sorin. Ang aga nakasimangot ka d'ya," puna sa akin ni Verux.

Napatingin lang ako rito at umalis na sa pwesto. Bumalik ako sa kama at nahiga. Naroon rin si Inara na nakatulala lang. Kinuha ko ang libro at saka ito binasa ngunit kahit na anong basa ko ay tila hindi ko ito maunawaan.

Pababa kong ibinagsak ang libro. Napatingin ako sa katabi ng kama ko. Nakatagilid na si Inara at nakatingin sa akin.

"Anong nangyayari sa'yo? Umagang-umaga parang wala ka sa sarili." Ani Inara. Hindi ko siya sinagot at bumuntonghinga na lamang.

"Kakain na," anunsyo ni Verux.

Sabay na kaming pumunta ni Inara sa isang mesa na sapat lang sa aming anim. Kinuha ko ang mga kutsara at baso habang si Thalia naman ay ang mga plato.

Tanging si Verux lang ang nag-iingay at kung minsan ay sisinghal si Thalia dahil sa kakulitan nito. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Chase.

"Nag-away ba kayong dalawa?" Tanong ni Inara habang nakaturo sa amin ang kanyang daliri.

"Tss. As if you really care." Rinig na rinig ko naman ang bungisngis ni Thalia.

Wala kahit isa sa amin ni Chase ang sumagot sa tanong ni Inara. Nagpatuloy lang si Chase sa pagkain na tila walang narinig. Naramdaman ni Verux na may mali kaya naman iniba niya ang usapan.

"Mag-training ba tayo ngayon?"

"Yes," diretsong sagot nina Thalia at Chase.

"We need to train ourselves. Masyado tayong nagiging kampante. Hindi natin alam kung katulad ba natin sila o kaya'y mas malakas pa." seryusong sabi ni Thalia.

Nang matapos kumain ay tulong-tulong kami sa pagliligpit ng aming pinagkainan.

"Ang dami naman n'yan, Beast," rinig kong sabi ni Ferux.

Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko na galing sa malaking pintuan si Chase at may dala-dala itong apat na kahon.

"Nakiki-beast ka na rin ngayon." Inis na sabi ni Chase. Natawa ako nang umastang babatukan ni Chase si Ferux.

"Ang daming PPE," ani Verux.

"Thalia, kanina ka pa nand'yan?"

"Hindi pa naman natatagalan." Direktang sagot niya. "Dala ko katana mo, baka makalimutan mo na naman." Inabot niya sa akin ang katana ko at saka iniwan na rin ako. Naglakad si Thalia papasok ng kakahuyan.

"Ready na si Sorin, tara na at magsimula." Anunsyo ni Verux.

Napailing na lang ako dahil sa ginawa niya. Tumakbo silang kambal palapit kay Thalia. Hindi kaagad ako nagmadali dahil alam ko namang hihintayin nila ako sa bukana ng kakahuyan.

"Ang bagal!" sigaw ni Verux.

"I'm not like you, Mr. Santiago." Sigaw ko rin. Sa isang kurap ko ay wala na si Verux sa kinatatayuan niya. Nagulat ako nang sumulpot siya sa aking harapan. Agad naman itong pumwesto sa likuran ko at mabilis akong itinulak. Sa isang iglap kasama na nila ako.

Si Chase na lang ang kulang.

Nang dumating si Chase ay kaagad nang nagsimula ang laban namin. Walang kampihan lahat ay magkakalaban.

Napunta ako sa lugar kung saan mabababa ang puno, ang mga sanga nito'y sumayad na sa lupang tinatapakan ko.

A thick fog envelope my surrounding. I close my eyes and feel the presence of my environment but I failed to recognized where does he hide.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now