CHAPTER 28

1.4K 61 5
                                    

CHAPTER 28: THE VOICE OF THUNDER

Hindi maipaliwanag ang saya namin ngayong hapon. Hindi lang ako kundi lahat kami ng Class A at mukhang pati na rin ang ibang Class at year level.

Matapos ng programa ay agad na pumunta kami sa kanya-kanya naming dorm para magpalit ng suot. Maaga pa nang matapos ang mga pakulo kaya nagkaroon pa kami ng oras para pag-usapan ang tungkol sa nakuha ni Verux mula sa kalaban.

Agad na nagpadala ng laptop si Mr. Hayatou para maasikaso namin ang laman ng cellphone.

"Sa tingin n'yo, alam na kaya ng lalaking 'yon na nakuha natin ang cellphone n' ya?" Tanong ni Thalia.

Nagkibit-balikat lang ako. Dalawa lang ang maaring sagot. Oo at hindi. Oo kung bumalik na siya sa Cr para puntahan ang cellphone na itinago niya at hindi naman kung hindi pa ito bumabalik at nagpapakasawa habang kasama ang girlfriend niya.

"Unlocked!" anunsyo ni Ferux na siyang nakaharap sa laptop.

Agad na kinuha ni Chase ang cellphone at binuksan ang mga files dito.

"Kopyahin mo lahat ng files," utos niya kay Ferux na agad naman nitong ginawa.

"Pupuntahan ko ang Cr kung saan ko siya nakita. Maaring nagpapabalik-balik ang lalaki kung sakali man na alam niya nang nawawala ang gamit n'ya," ani Verux at itinaas ang earpiece niya. Lahat kami ay napatango dahil sa sensyales niya.

Kinuha namin ang earpiece namin at isinalpak ito sa tenga. Tutok na tutok sina Chase at Ferux sa laptop.

"Nasa dorm sila no'ng babae at mukha babalik pa lang ngayong oras," rinig naming lahat sa sinabi ni Verux.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Inara.

"Base sa mga kilos n'ya wala pa s'yang kaaalam-alam sa ginagawa natin. Isa pa, naglalakad s'ya habang nakangiti at mukhang tanga," paliwanag nito.

Inalis ni Chase ang earpiece niya at muling tumutok sa screen.

"Done! I retrieved the messages and call logs as well as his email."

"Kaya mo bang ma-connect ang cellphone na 'yan? Para kung sakali ay alam natin at kaya nating ma-trace kung sino ang nakakausap n'ya." Seryusong tanong ni Chase.

"Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko hindi pa ako sanay sa ganito at ang gagawin ko ay ayon lang sa nabasa ko," walang emosyon na sabi ni Ferux. Tumayo ito at pumunta sa drawer na pagmamay-ari niya. Kinuha niya ang eyeglass niya at isinuot.

Agad itong bumalik sa tabi ni Chase. Lagatak ng keyboard ang maririnig sa loob ng opisina. Wala ni-isa sa amin ang nagsalita.

"Papunta na s'ya ng Comfort room," anunsyo ni Verux.

Sabay-sabay kami nagkatinginan nang biglang umilaw ang screen ng cellphone. Lahat kami napatingin rito at kitang-kita ang nagpop sa screen ang isang pangalan.

"Open it!"

"Kaya ko na siyang ma-open sa laptop." Dali-daling isinuot ni Chase ang earpiece niya at inayos ang microphone.

"Verux, pumunta ka rito sa opisina. Ibabalik mo ang cellphone kung saan mo nakuha. Ibabalik natin ito para magkaroon pa tayo ng ibang impormasyon," utos ni Chase kay Verux.

"Don't get caught," paalala ni Thalia.

Isang minuto ang nakalipas agad na bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa nito si Verux. Ibinigay naman agad ni Chase ang cellphone. Nang makuha ang cellphone ay umalis din ito kaagad.

"Oh Pre! Malapit na gumabi bakit pagala-gala ka pa?" Rinig naming tanong ni Verux.

"Sige, Pre. Mauna na ako sa'yo, paalam ni Verux.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now