CHAPTER 25

1.4K 60 6
                                    

CHAPTER 25: TWO BODIES UNDER THE WATER

Tahimik akong nagmamasid mula sa third floor ng Engineering Department. Ang field noon na kulay berde ay may kung ano-anong disenyo. Nagkalat rin ang mga banderitas at ilang tent o booth ng iba't ibang kurso.

"Hey! Okay ka na?" biglang tanong ni Verux na kararating lang.

"Okay naman na," sagot ko sa kanya. Hindi ko siya tiningnan at nanatili lang ako sa panunuod sa ibaba.

Dalawang araw na rin ang nakalipas mula noong magkasakit ako. Kagabi lang naging magaan ang pakiramdam ko dahil kagabi lang rin natahimik ang dorm ko.

Sinamahan ako nina Thalia ay Inara para i-check ako at masiguradong magiging maayos ang pakiramdam habang ang tatlong lalaki naman ay bumibisita lang dahil mayroon daw silang pinagkakaabalahan.

"Tapos na pinagkakaabalahan n'yo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik kaya naman nilingon ko siya. Napatingin din ito sa akin at saka nagkibit-balikat.

"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko pa.

"Wala' yon," sagot niya at saka ngumiti. Katulad ko ibinalik niya rin ang paningin niya sa field.

Napadako ang tingin ko sa kanyang kaliwang kamay na puro band aid ang daliri. Napakunot ang noo ko rito pero hindi na ako nagtanong pa.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin.

"Nagpapahangin," diretso kong sagot sa kanya. "Ikaw, bakit ka nandito?"

Lumingon ito sa akin at saka ngumisi. "Napadaan lang. Nakita kasi kita mag-isa kaya pinuntahan na rin kita." aniya.

"Bakit ba kasi nagso-solo ka? Bakit dito mo naisipang tumambay? Madalas ay puro kalalakihan ang pumupunta dito. Hindi ka ba natatakot?" Sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Para siyang tatay na pinagagalitan ang anak.

"Oh, sorry," bawi niya.

Napatango-tango lang ako at hindi na siya sinagot pa. Ilang sandali pa ang itinagal namin bago napagpasyahang pumunta sa opisina.

"Saan kayo galing?" bungad ni Inara sa amin.

"Sa Engineering Department," walang ganang sagot ni Verux. Agad siya lumapit kay Chase at saka naman tumayo si Chase at napatingin muna sa akin bago tuluyang tumayo at pumunta sila sa library ng silid.

"Anong ginawa n'yo?" tanong naman muli ni Inara.

"Ginawa namin? Wala naman. Nagpahangin lang," sagot ko. Umupo na ako at nilaruan ang ballpen na nasa mesa.

"Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ni Thalia.

Sabay kaming napatingin sa pintong bumukas at iniluwa nito si Ferux na may dala-dalang drumstick at isang supot na puro mineral water.

"Andito ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" nakangiting taning ni Ferux.

"Ayos na, ang tahimik na dorm ko eh." sagot ko at saka tumawa habang sinulyapan ang dalawa na namilog ang mata.

"Sa sunod hindi na kita aalagaan." Pahaging ni Inara.

"At hindi na rin kita bibigyan ng gamot" wika naman ni Thalia.

Hindi maipinta ang mukha ng dalawang babae sa harapan ko. Si Ferux naman ay napailing-iling na lang at tumabi sa akin.

Kitang-kita ko kung paano ako irapan ni Thalia kaya naman tumayo ako at pumunta sa likuran nilang dalawa.

Yumuko ako at inilagay ang kamay ko sa kanilang balikat sabay hinalikan sila sa pisngi nila.

Gulat na gulat silang dalawa sa ginawa ko. Si Thalia ay napaiwas at inalis ang kamay ko sa balikat niya habang si Inara naman ay pinunasan ang parte ng pisngi niya kung saan ako humalik.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now