CHAPTER 32

1.5K 48 1
                                    

CHAPTER 32: THE DAY AFTER TOMORROW

I've been facing this dummy wood for almost three time a day, holding my fake wooden katana- the weapon I choose to be one of my strength and defense.

One week ago after the announcement about the invitation, Mr. Hayatou called the faculties for the emergency meeting. He informed that we are invited on Class Battle 2020. The Dean decided to excuse us in all subjects that we had. Mr. Hayatou and Mr. Escletus agreed to her. They want us to focus on our ability.

Kasalukuyan kaming nasa safe zone na ngayon ay punong-puno ang kalahating bahagi nito ng dummy wood na pinagpapraktisan namin maliban kay Chase na panay palabas ng kanyang abilidad sa natitirang bahagi ng training area. Laging makulimlim ang ulap dahil siguro sa pagmamanipula ni Chase ng kanyang kakayanan.

"May nag-improve naman ba sa inyo?" biglang sulpot ni Chase sa gilid namin na ngayon ay nagpupunas ng pawis sa kanyang mukha. Kinuha niya ang anim na report sheet namin. Matapos nang paghasa namin sa aming kakayanan at sa depensa namin sa isang araw ay naglilitas kami ng lahat ng mga ginawa namin at ilang dummy wood ang nasira namin kung mayroon man.

"Mukhang meron naman, ako nalibot ko itong training area ng isang libong beses." Pagmamayabang nni Verux.

"Si Sorin, masasabi kong lumakas siya dahil tatlong dummy wood ata ang nasira niya at lahat ng sira nito ay sa ulo at dibdib." Pahayag naman ni Inara. Napatingin kaming lahat sa kanya dahil ako dapat ang magsasabi noon. Tiningnan ko si Inara at nakangisi lamang ito habang nilalaro ang hibla ng kanyang buhok na nakalaylay sa likuran ng kanyang tenga.

Nagbahagi rin sina Ferux at Thalia ng kanilang improvement ngayong araw. Kadalasan ay si Thalia ang huling nagbabahagi dahil lagi niyang sinasabi niya na mahina siya at tanging kakayahan niya lang ay ang manggamot at makita ang nakaraan sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay.

Si Ferux naman ay kayang-kaya na niyang makontrol nang mabilis ang kanyang abilidad at napapalabas na rin niya ito anumang oras niya gusto.

Hindi lang pag-eensayo ang inaatupag namin ngayon dahil kahit na pinagbawalan kaming makialam sa nangyari noong may pagsabog sa campus at ang mga nakaputing mask ay hindi namin ito sinunod. Napagkasunduan namin na mag-imbestiga nang palihim.

"That's it! Bukas ay tuloy-tuloy ang pagsasanay natin. Lahat tayo magkakalaban. Lahat tayo ay kailangang masugatan," anunsyo ni Chase. Hindi namin maalis sa kanya ang aming atensyon dahil sa sinabi niya.

"Isipin n'yo na galit tayo sa isa't isa at may nagaganap na pataasan. Kailangan nating sanayin ang sarili natin sa natural na laban hindi sa dummy wood, hindi sa paglalaro. Ayon pa kay Mr. Hayatou. Manunuod s'ya. So, we need to use our abilities, strength and techniques maka-survive lang sa kalaban. Hurting is not the end of your life. And put this on your mind, NO KILLING," mariin niyang paliwanag.

"Kaya natin ito! Kakayanin natin!" Determinadong sabi ni Ferux. Kinolekta ni Chase ang mga papel na hawak namin at isilid ito sa isang expanded envelope. Tumayo na rin kami dahil may isa pa kaming pag-uusapan sa opisina. Doon namin pinaplano ang mga bagay na hindi alam nina Mr. Hayatou at Mr. Escletus.

"Yugens," tawag sa amin ni Mr. Hayatou na hindi namin namalayan ang kanyang pagdating. Lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.

"If you are planning to caught that woman in a white mask. Wag na ninyong tangkain pa," mariing sabi niya. Bakas sa pananalita niya ang mga diin at tila nagpipigil ng inis.

Dahan-dahan kaming nagtinginan sa isa't isa at nagse-senyasan. Nanatili kaming tahimik habang hinihintay pa ang susunod na sasabihin ni Mr. Hayatou. Maya-maya'y itinaas nito ang kanyang kamay na may hawak na mga papel. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ito. Iyon ang ginawa kong mapa papunta sa abandonadong lugar at imahe ng babaeng nakita sa loob ng silid ko. Ipinatago ko ito kay Verux noong huling meeting namin.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now