CHAPTER 8

2.2K 88 2
                                    

CHAPTER 8: DIFFERENCES

Sabado na. Nangangalat ang mga estudyanteng hindi naka-uniporme. Ang Yugen Class A ay naka-PE uniform ngayon. Hanggang sabado ang schedule ng pasok namin at mukhang ang PE ay natapat sa araw ng Sabado.

Kasalukuyan kaming nasa isang room na white ang pintura. Wala kahit isang gamit rito. Isa pa ay isa itong sound proof. Kahapon ko lang napagtanto na may sariling bulding ang Yugen Class A. Siguro ay mga anim na silid ang para sa amin. Ang opisina sa kabila ay isa lang props iyon para sa mga estudyanteng nangangalap ng impormasyon.

Kahapon rin ay bumalik si Chase sa opisina at inanunsyo na ililipat ang opisina sa mismong building ng Yugen Class A.

Pagkatapos ng klase namin mamaya. Unti-unti na naming ililipat ang mga kahon na inayos namin kahapon. Dapat bago magdilim ay mailipat na namin ang mga gamit. Libro, papeles, at computers.

"Sino kaya ang instructor natin ngayon sa P.E?" Tanong ni Thalia. Hindi naman ako sumagot dahil wala naman akong isasagot. Wala namang nakalagay sa schedule kung sino ang magtuturo tanging room number lang at subject.

Nakaupo kami sa sahig habang naghihintay sa instructor namin. Si Inara ay katabi ni Ferux. Mula kahapon ay para na silang may dagta sa katawan. Si Ferus na tahimik ngayon ay kakaiba. Hindi na tipi dang pagsasalita niya at kung minsan ay sabay silang hahalakhk ni Inara.

Si Zemixton Chase? Ganoon pa rin. Ang tapang niya tingnan at tahimik lang. Kung hindi mo siya kakausapin at wala namang sasabihin ay hindi siya magsasalita. Si Verux naman aay kinukulit si Thalia at minsan naman ay ako ang aasarin.

Bumukas ang pinto. Walang salita ang lumabas mula sa bibig namin. Pinagmasdan lang namin ang lalaking pumasok. Naglakad ito papunta sa unahan.

"Good Morning, Class," bati niya kaya naman napatayo kaming lahat at yumuko habang bumabati sa kanya. Ramdam ko ang pagtabi sa akin ni Verux ngunit hindi ko siya nilingon.

"My name is Morgan Escletus. From now on, I will be your PE teacher," nakangiti niyang sabi. "Pasensya na kung late ako, kinuha ko lang kay Mr. Hayatou ang inyong student profile." binuklat niya ang mga ito at binasa nang pahapyaw.

"Miss Inara and Sorin Venix, What's your ability or potential?" tanong niya sa amin ni Inara. Napalunok ako ng laway dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa mga kasama ko pati na rin kay Inara na nakatagao sa likuran ni Ferus Jade.

"Excuse me, Mr. Escletus. They are the new member of Yugen. There potential has not found yet. Maybe, we can see their ability while we're here." pagsingit ni Verux. Napatingin ako sa kanya. seryuso siyang nakatingin rito.

"Oh, I'm sorry. Kaya pala wala pang nakalagay sa papel nila," ani Mr. Escletus.

Napailing-iling si Chase. Parang dismayado siya sa mga ikinikilos ni Mr. Escletus. Hindi na lang ako nagsalita.

"Hindi man ako ang dati n'yong PE teacher but I wil do my best to be a good teacher to you. I will do my best to enhance your abilities," wika nito. "Let's start." dagdag pa niya.

Naglakad na si Thalia papunta sa kabilang bahagi ng silid. Sumunod na rito si Ferux habang hila-hila naman niya si Inara. Si Verux naman ay sumenyas na sumunod sa kanya.

"Miss Inara and Sorin Venix, panuorin n'yo ang mga kasama n'yo dahil sa susunod ay kayo naman ang tatayo rito sa gitna para ilabas at ipakita sa amin ang ability n'yo. Maliwanag ba 'yon?" nakangiting sabi ni Mr. Escletus.

Pumunta siya sa isang kanto ng silid at doon may pinindot. Lumabas ang isang transparent para ikulong siya nito sa loob. Napako ang tingin ko kay Zemixton na nasa gitna ng silid at nakayuko.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now