CHAPTER 5

2.8K 106 2
                                    

CHAPTER 5: ALL IS NEW

Kung anu-ano pa ang dinadaldal ni Verux Jade habang nasa loob kami ng clinic. Minsan ay natatawa na lang kami ni Inara at ang kakambal niya.

Yes, madaldal si Verux habang si Ferux naman ay simple at parang mahinhin. Si Thalia naman ay napapairap at kinukontra ang sinasabi ni Verux habang si Chase naman ay nakasandal lamang sa pinto at halatang hindi gugustong makisawsaw sa usapan.

"If you are good, sumunod na lang kayo sa opisina." Tinalikuran kami ni Chase nang matapos niyang sabihin ito.

Agad na sumunod si Thalia kay Chase habang kami ay naiwang tahimik.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?" tanong sa akin ni Ferux.

Ulo na lang ang masakit sa akin. Kaya ko namang makapaglakad

"Ah, ayos na ako. Nakapahinga na rin naman na ako," ngumiti ako para makasigurado siyang maayos na ang lagay ko.

Biglang pumasok ang nurse kaya naman gumilid ang kambal pati na rin si Inara.

"Miss, may gamot po ba kayo sa sakit ng ulo?" bulong ko kay nurse at sinenyasan siyang wag maingay.

Napatingin naman siya sa mga kasama ko. "Masakit pa ang ulo mo. Magpahinga ka muna," aniya.

Umiling ako at muling bumulong sa kanya. "Okay lang po ako saka nakakahiya na po kanina pa po sila naghihintay sa akin."

"Sigurado ka ha. Sige bibigyan kita."

Tumalikod na ito at kumuha na ng gamot. Napatingin ako sa mga taong naghihintay sa akin sa may gilid. Kumakaway-kaway pa si Verux at napapa-thumbs up. Ngumiti lang ako at saka nagthumbs up rin sa kanila.

"Inumin mo na itong isa tapos kung makaramdam ka pa ay inumin mo ito. Pababaunan kita ng tatlo, pasiguro lang. Isa pa, wag kang mahihiyang magsabi sa mga kasama mo," Bblin niya. Tumango naman ako at nagpasalamat.

Tumingin ang nurse sa gilid at sumenyas na okay na.

"Ano? Okay ka na? " tanong ni Inara

"Oo, p'wede na akong lumabas. Basta konting pahinga na lang," sagot ko naman. She giggled again habang ang dalawa ay hindi maalis ang ngiti.

"Ayon, so let's go to our office," aya ni Ferux.

Inalalayan akong makababa ng kambal habang nakakabit naman sa akin si Inara baka raw kasi matumba ako.

"He must be annoyed at this time. Haha. He hates waiting," rinig kong sabi ni Verux.

He's reffering to Chase. Mukha pa lang noon ebidensya na, maikli ang pasensya ng isang yon. Si Thalia may pakialam naman pero sadyang nagsusungit.

Pumasok kami sa isang kwarto ngunit wala kaming nakita na Chase at Thalia. Hindi na ako umimik at nanatiling nagmamasid sa kambal na nauunang maglakad.

May kung anong hinila si Ferux sa gilid ng isang bookshelf. Namangha kami parehas ni Inara nang dahan-dahan itong gumilid. Bumungad sa amin ang isang metal na pinto at may scanner sa gilid.

Itinaas ni Ferux ang manggas ng kanyang uniform hanggang siko. Itinapat ni Ferux ang kanyang pala-pulsuhan. Nilingon kami ni Verux at tsaka ngumisi.

CODE ACCEPTED
✔️

"Soon, kayo na ang nasa tapat nito at mag-scan," wika ni Verus.
Pumasok na sila sa loob kaya naman sumunod kami ni Inara.

"Oh, here they are." mataray na tono ni Thalia.

Tamad na tumingin sa amin si Chase at muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa niya. Naupo kami sa bakanteng upuan at tahimik lang na nagmamasid.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now