CHAPTER 15

1.7K 77 4
                                    

CHAPTER 15: SPY

Nakaugalian ko nang tumambay sa opisina. Minsan ay bumabalik ako rito pagkatapos ng session namin. I'm into books. Hindi ko mapigilang hindi magbasa.

Natatapos ang session namin tuwing alas tres. Kung minsan ay sadya akong nagpapaiwan rito.

Mabuti na nga lang ay hindi na ako inaabutan ng gabi rito. Mahirap na makasama ulit si Chase. Si Chase na walang pakialam sa kasama.

Sa loob ng dalawang linggo nasanay na rin ang aming mga katawan sa mga exercises na pinapagawa nina Mr. Escletus at Mr. Hayatou.

Kanina, matapos ng session namin. Hindi namin alam ang magiging reaksyon sa huling sinabi ni Mr. Hayatou.

Ayon sa kanya, warm up pa lang ang ginawa namin. Sa susunod na Biyernes at Sabado ang first face to face training namin.

We believe that there is something about our ability or worse than that.
Ito na yata ang sinasabi niyang magkakasakitan kami.

"Nandito ka na naman?" biglang tanong ni Chase na kapapasok lang ng opisina. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya dahil abala ako sa pagbabasa.

Ibinaba ko ang librong hawak ko at saka siya hinarap.

"May hinanap lang akong libro para doon sa assignment na ibinigay sa amin sa Philosophy." pagpapalusot ko.

Umiling siya at saka pumunta sa cabinet kung saan nakatago ang mga files ng estudyante na si Chase at Mr. Hayatou lang ang nakakapagbukas.

"Bakit sa isang library wala ba do'n?" tanong niya. Hindi niya ako tiningnan at nagpatuloy lag siya sa kanyang ginagawa. Tila ba may hinahanap itong bagay.

"Mayro'n pero gusto kong dito ko na lang hanapin," Nnpangiwi ako sa sinabi ko. Hindi magandang palusot 'yon.

"Kaya pala ngumingiti ka d'yan, Philosophy pala binabasa mo," Rrnig ko sabi niya. Pabagsak kong ibinaba ang librong hawak ko at saka humarap sa direksyon niya.

"Ano bang problema mo sa akin, Zemixton?" inis na bulyaw ko sa kanya.

Humarap ito sa akin at saka sumandal sa cabinet. "Ako? May problema sa'yo? Sa dami ng iniisip ko bakit pa kita paglalaanan ng oras?"

Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang sigawan but his words, 'sa dami ng iniisip ko...' makes my mouth shut.

Mula noong makita ko si Chase noong unang araw ko sa Yugen University ay ibang-iba sa ngayon. Tila ba namayat siya at parating walang tulog. May suot na rin siyang salamin. Isang linggo na siyang nagsusuot nito.

Nang hindi na ako nakipagsagutan sa kanya. Pumunta na siya sa mesa at inilapag ang isang expandex portfolio. Base sa nakikita ko, ito ang student profile ng mga estudyante sa taong ito.

Hiwa-hiwalay ang folder nito ayon sa class nito.

"Para saan 'yan?" tanong ko sa kanya.

"None of your business," walang gana niyang sabi.

Kinuha ko na lang muli ang librong binabasa ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko kaysa makipag-away pa sa kanya.

"Hindi ka pa ba babalik sa dorm mo?" biglang tanong niya.

"Anong oras na ba?" tanong ko rin at saka ibinaba ang libro. Sabay kaming napatingin ni Chase sa orasan na nakasabit sa itaas ng pinto ng opisina.

"I still have one hour," wika ko. Tumayo ako at saka nag-inat ng katawan. Bumalik ako sa inupuan ko at nangalumbaba. Pinanuod ko na lang si Chase habang isa-isa niyang binabasa ang mga impormasyon sa student profile.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now