CHAPTER 21

1.6K 67 2
                                    

CHAPTER 21: TOTAL DARKNESS

Hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng aming paa. Nanatili kaming nakasunod kay Mr. Escletus and Mr. Hayatou. Nasa hulihan lamang kami habang si Chase ay kasama nila. Ayon kay Mr. Hayatou mayroon daw silang surpresa sa amin. Ni-isa sa amin ay walang kaide-ideya kung ano ang surpresa nila. Maging si Chase ay hindi rin alam.

Tinahak namin ang likuran ng registrar office. Nagpalinga-linga muna ang dalawang guro bago may kung anong pinindot sa isang paso. ilang segundo lang ang lumipas at biglang bumukas ang lupa sa harapan namin.

"Tara na," Ani Mr. Hayatou. It was a secret passage underground. Bumubukas ang mga ilaw sa tuwing papalapit kami at mamamatay rin kapag wala nang tao.

"Ang cool," Manghang sambit ni Verux. Lahat naman siguro kami ay namamangha sa nakikita namin.

"Ang galing naman. Kailan pa ito Mr. Hayatou?" Usisa ni Verux. Tumingin naman ang dalawa sa amin at kakikitaan ng ngiti.

"A month ago," Sagot ni Mr. Hayatou. Nagpatuloy kami s apaglalakad hanggang sa tumapat kami sa isa na namang pinto.

"Scan n'yo na ang mga marka n'yo para kahit anong oras ay p'wede na kayo rito," utos ni Mr. Escletus. Isa-isa naming in-scan ang marka. Mr. Hayatou pressed a button para mapanatiling nakabukas ang pinto.

Matapos ay lahat kami pumasok na. laking gulat namin sa nakikita namin. Mataas na pader ang nakapalibot rito. Ang lawak ay halos kalahati ng field ng University.

"From now on this will be your training area," anunsyo ni Mr. Escletus habang nakahawak ang kamay sa kanyang bewang.

Napatili naman si Inara at napapalakpak ang kambal.

"Mamaya ilalagay ang ilang obstacles para naman mas lalo pa kayong ganahan at lubos na mahasa ang inyong kakayanan." dagdag ni Mr. Hayatou.

Wow! This is exciting.

Ilang araw na rin mula noong alisin ang semento sa kamay ko at naghilom na rin ang maliliit na sugat na tama ko. Ang mga pasa ay tuluyan nang gumaling. I can go back on training.

"Chase and Sorin sumunod kayo sa akin," wika ni Mr. Hayatou. Gaya ng sinabi niya. Sumunod kaming dalawa ni Chase sa kanya. Dumaan kami sa gilid. Huminto saglit si Mr. Hayatou at hinintay kami.

Nang nasa harap niya na kami, matamis itong ngumiti. May pinindot siyang muli sa mismong pader. Ang pader ay nagkaroon ng maliit na pintuan na kasing kulay nito. Hindi ito mapapansin kung hindi ito titingnan nang husto.

"I'm sorry. Hindi ko na kayo kinausap tungkol rito. Minabuti namin na maging surpresa ito sa inyong dalawa. Imbes na sa kakahuyan ito ilagay plinano namin na dito na kang ilagak ang kwartong sinabi n'yo noon," sumenyas siya na pumasok kami.

Pagpasok namin ay automatikong bumukas ang ilaw. Parehas kaming napapikit ni Chase dahil sa pagkasilaw.

Tumambad sa aming nga mata ang isang silid na walang ibang makikita kundi puting kulay.

"Kaya nitong okupahin ng halos kalahati ng bilang ng populasyon ng mga estudyante sa buong University." Dagdag pa ni Mr. Hayatou.

Napangiti ako dahil sa nakikita ko. Dahan-dahan pa akong naglakad papunta sa gitna ng silid.

Sumunod naman sa akin Chase. Naglakad ito habang nakapasok ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Dumiretso ito hanggang sa maabot nito ang dulo ng silid. Iginala niya ang kanyang paningin at napatango-tango pa.

"Ang bilis naman po magawa," usal ko.

"Syempre," taas noong sabi ni Mr. Hayatou. "Ito na rin ang nagsisilbing taguan n'yo ng mga armas," dagdag pa niya at may kinuha sa kanyang bulsa. Maliit lang iti na bagay na kasing laki ng flashdrive.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon