CHAPTER 45

1.2K 52 4
                                    

CHAPTER 45: SPORADIC

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto. Napakamot ako sa aking ulo nang hindi tumitigil ang ingay. Kung sa iba ay sasabihing mahina lamang ito pero para sa akin ay napakalakas nang kanilang bulungan.

"Gisingin n'yo na kasi," rinig kong bulong ni Ferux. Malamang na ang kasama niya ay ang kakambal niya. Hindi naman ito masyadong mag-iingay kung hindi kakambal niya ang kausap.

Ramdam ko ang presensya na may papalapit sa akin kaya naman mabilis kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin at naupo.

"Anak ng!" bulalas ni Verux. Gusto kong matawa dahil sa itsura nilang kambal na gulat na gulat habang wala namang reaksyon ang mukha ni Thalia.

Napangiti ako nang maisipan kong asarin si Thalia. "Nagulat ka rin, no? Aminin mo na, nagulat ka." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

Niyugyog ko ito at pinagpipilitang nagulat rin siya sa ginawa ko. Kita ako ang maliit na kurba sa kanyang labi. Mukhang pinipigilan na naman niya ang kanyang emosyon.

"Ilabas mo 'yan, masama ang nagpipigil." Kiniliti ko pa ito pero walang epekto.

"What's with you? Parang hindi ka man lang kinakabahan," aniya. Napatingin ako sa kambal, sumenyas ito na lalabas na at kakain.

"Ayaw ko lang isipin na mamaya ang tunay na laban. Hindi ko lang naman ito laban kundi nating lahat, 'di ba?" wika ko. Tumango lang siya at naupo sa tabi ng kama.

Napatingin ako sa bintana. Mula rito makikita ang labas na makulimlim at ang kahit na sino ay makakaramdam na tila lantang gulay dahil sa sitwasyon.

"Ayusin mo na ang gamit mo pati na rin ang sarili mo." Tumayo ito at muli akong hinarap. "Ihanda mo lang ang kakailanganin mo sa laban. Mamaya rin ay nandito na ang kukuha ng ating mga gamit at ibabalik sa campus." Tumalikod na ito at naglakad na palabas.

Nang nasa pintuan na ito ay muli itong humarap sa akin. "Mag-ayos ka na, sabi ni Chase ay sabay-sabay tayong kakain, isa pa may sasabihin s'ya." Muli ako nitong tinalikuran at tuluyan na akong iniwan sa loob ng silid.

Iginala ko ang aking tingin sa loob, kwarto ito kung saan natutulog si Inara. Napasabunot ako sa aking sarili nang maalala ang nangyari kagabi.

Tumayo na ako sa kama at dahan-dahang sumili sa may pintuan. Naglalaro ang kambal habang si Thalia at Inara naman ay iniipon ang mga gamit nila sa isang tabi.

Napasandal ako sa pintuan bago ko napagpasyahan pumunta sa kabilang silid kung saan nakalagay ang gamit ko. Marahan akong naglakad papunta sa kabila uoang hindi nila ako mapansin.

"Sorin,"

Napahinto ako at napapikit dahil sa inis. Nangibabaw ang pangalan ko dahil sa pagtawag sa akin ni Verux. Ramdam ko nan a laat sila ay nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa kanila at hindi nagpahalata sa katangahan.

Teka! Ba't ba ako ganito ngayon?

"Ha?"

"Kukunin mo gamit mo? Do'n mo na lang ilagay kasama ng mga gamit namin. Walang hiya! Tulog mantika ka kasi, ayan tuloy huli ka na sa pag-iimpake."

"Ah, hehe," napadako ang mata ko sa lalaking tamad na nakatingin sa akin. Tila ba antok na antok ito habang nakaupo sofa at ang kanyang kamay ay nakapatong sa sandalan nito. Ilang segundo rin ako nitong tiningnan hanggang sa muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Napatingin ako kay Verux na nakakunot ang noo at nagpapalit-palitan ng tingin sa amin ni Chase.

"Ayusin ko lang ang gamit ko." Palusot ko na lang at agad na pumasok sa loob. Naupo ako sa gilid ng kama. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili bago ko kinuha ang bag at ang katana ko.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now