CHAPTER 20

1.5K 57 2
                                    

CHAPTER 20: FLEET-FOOTED

Verux promised he will never use his ability. I choose him as my partner for this day training.

Noong una ay ayaw niya at nag-iisip pa siya kung papatukan niya ako.

"You don't need to punch me, Verux," natatawa kong sabi.

"Eh, ano iilag lang ako? Paano ka matututo kung hindi ko sasabayan mga suntok mo?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. By the way, his right. Hindi masasanay ang sarili ko tanging pag-iwas lang ang gagawin ni Verux.

I groaned as a disbelief. Okay, I give up.

"Kalabanin mo ako," mariin kong sabi.

"Seryuso ka? Ang tapang mo naman ata ngayon," Napangisi ito at napakamot pa sa ulo.

Sa isang iglap tinupaw niya ang ulo ko.

"Aray!" reklamo ko kaya naman napatingin ang iba pang kasama namin dito sa P. E Room.

"See? Simpleng gano'n lang 'di mo maiwasan."

"Hindi ako prepared." Hinimas-himas ko ang tama ko sa aking ulo bago siya inirapan.

"You don' t need to be prepared kapag kalaban na ang kaharap mo. Anytime susugod s'ya sa'yo. Kung matalino ang kalaban kailangan mas matalino ka sa kanila. Paano mo sila matatalo kong pahina-hina ka at madaling I-destruct" seryuso sabi ni Verux.

Napatango-tango ako. I should be prepared and focus.

"Focus, Sorin. Lahat ng galaw ng kalaban ay kinakailangan mong obserbahan. Kung p'wede nga lang ay pati ang paghinga nila ay kailangan mong bantayan. They will attack your weak side. They will find your weakness. Focus. Focus,." ayo pa niya sa akin. He's really good at advising.

Hearing his words makes me feel more strong. I have this urge to fight and do some defense today. I don't know but I want it this time.

"May problema ba?" Natauhan ako sa tanong niya. Natulala pala ako dahil sa mga binitiwan niyang salita.

"I think you should rest for now" he muttered. Automatically, I shook my head.

"Determinado ha," Natatawa niyang sabi. "Promise, hindi ko talaga gagamitin ability ko. Siguro next time na lang."

"Good. Saka na kapag nalaman ko na ang sa ability ko." Ngumisi ako at nag-ayos ng posisyon.

Napaatras naman si Verux at taas baba niya akong tinitingna. Maybe the movements of my feet and eyes.

Tumingin ako sa kanang direksyon at hindi naman ako nabigo sa binalak ko. Napalingon rin ito kung saan ako tumingin.

Kinuha ko itong tiyempo para sugurin si Verux. Agad naman itong napatingin sa akin at naka-iwas sa suntok. Sunod-sunod ang pagsuntok ko sa kanya ngunit kahit isa ay wala tumama.

Napayuko ako ng bigla niyang iwasiwas ang kanyang kamao.

"Nice, Sorin," bulong niya sa kabila ng paghahagilap niya sa hangin.

Sa ngayon ay sumasabay na sa suntok ko si Verux. Sinasalag niya ang kamao ko sa tuwing matatamaan ang mukha niya o ang dibdib niya.

Muli siyang sumuntok malapit sa mukha ko pero sa kasamaang palad yumuko ako at lumusot sa tagiliran niya. Nang nasa likuran na niya ako ay agad ko siyang siniko.

"Anak ng" sigaw ni Verux at napahawak rito. Umatras ito para makalayo ng bahagya sa akin. "Ang sakit" reklamo niya.

Hinahabol ko ang hininga ko. Hindi naman siguro ginagamit ni Verux ang ability niya. Sadyang mabilis lang ang kanyang paggalaw dahilan para humangos ako ng ganito.

Yugen University - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon