CHAPTER 41

1.2K 48 0
                                    

CHAPTER 41: GLIMPSE OF SORROW

Bumungad sa akin ang mukha ni Chase nang imulat ko ang aking mga mata. Nakahiga na ako sa sofa. Bumangon ako at iginala ang mata sa silid. Nandito pa rin kami sa loob kung saan ako nakatulog kanina, ang kaibahan nga lang ay nakaupo ako kanina at paggising ko ay nakahiga na ako.

"Tubig," alok sa akin ni Chase. Kinuha ko naman ito at uminom.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako at sumandal. Inalala ko ang lahat ng nakita ko at narinig ko.

"Chase," tawag ko sa kanya.

"I know, just rest for a while. Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya ang lahat." Tumayo siya at pumunta sa tapat ng computer.

Hindi ako nakatiis, tumayo ako at sumunod sa kanya.

"I told you to... fine, ang tigas rin naman ng ulo mo." Inis na sabi nito nang makalapit ako sa kanya.

Tumingin ako sa monitor at doon ko nakita ang green na mga number at salita. Mukhang mga code ito. Nang i-enter niya ito ay lumabas ang student profile ko. Ini-scroll niya ito pababa. Narinig koi tong napamura at saka inalis ang profile ko.

May iba siyang document na binuksan. "Look at these numbers." Turo ni Chase. Pakiramdam ko ay nalula ako sa pagtingin rito kaya napailing-iling ako. "That's the data analysis of your abilities." Panimula niya.

"Abilities?" takadong tanong ko. "Abilities, ibig mo bang sabihin ay mga..." he cut my words.

"Yes, you have multiple abilities pero nagagamit mo lang ito sa hindi inaasahang bagay lalo na kapag nagre-react ang katawan mo. But your main ability is your senses. Kaya ka lumalabas ang mga ibang ability mo dahil ginagamit moa ng pakiramdam at isip mo. So, these are your main abilities na bumubuo sa ninety-eight na percentage ng ability mo noong classification."

Ipinakita ni Chase ang paghahati-hati ng aking ability mula sa ninety-eight percent ko. I have telekinesis and super strength.

"Kapag ba hinasa ko pa ang iba d'yan ay kaya kong gamitin anytime?" tanong ko rito.

"S'yempre, pero wala na tayong oras para bigyan pa ng focus ang ibang ability mo. Sabi ko nga lumalabas s'ya sa oras na nag-react ang katawan mo sa ginagawa mo. It means, you can't use them whenever you want.

"Akala ko no'ng una ay super strength o may taglay kang kakaibang lakas dahil kung naalala mo noong nag-away tayo sa lumang opisina, hindi ko binibitawan ang libro. Kinuha mo ito sa akin nang buong pwersa kaya tumawa ako noon dahil sa dinami-rami babae pa ang nagkaroon ng gano'ng ability sa team another thing, naalala ko na nagreport ang isa sa force B na nag-imbestiga sa kwarto mo no'n, tila ang gaan lang raw sa'yo no'ng cabinet. Ang pagsipa mo ng bato kanina, hindi pangkaraniwang lakas 'yon ng isang babae. Pangalawa, ang telekinesis mo ay napansin ko noong nagkainitan kayo ni Inara. Napahinto mo ang ginawa n'yang mga yelo at pinabalik ito sa kanya."

Natulala ako nang maalala ko ang lahat. Hindi pala normal sa akin na basta na lang ako nakakagawa ng bagay na minsan ay ikinagugulat ng mga kasamahan ko. Kaya naman pala ganoon na lang ang sinabi ni Ferux sa akin kanina.

"Sorin, nasa sa'yo kung paano mo ito kukontrolin. Wag mong hayaang sirain ng abilidad mo ang katawan mo. Just be safe." Wika ni Chase na direktang nakatingin sa mga mata ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya.

"Bumalik na tayo, nar'yan na ang PPE. May mahalaga raw sasabihin si Mr. Escletus." Tumango ako at saka tumayo na. kinuha ko ang mga PPE namin. Pinatay ni Chase ang computer at sumunod sa akin. Katulad kanina ay nagtalo na naman kami sa pagsasara ng PPE namin.

"Ignore them." Utos nito sa akin nang lumabas kami ng silid at dumaan kami sa laboratory. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano magwala ang lalaki na nakatali sa kama. Hindi ito mapakalma ng mga nag-aassisst dito dahil agresibo ito nang husto.

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now