CHAPTER 37

1.1K 51 18
                                    

CHAPTER 37: STAY

Hinayaan kong rumagasa aking katawan ang malamig na tubig at nang makaramdam ng panlalamig ay pinatay ko ang shower at kinuha ang tuwalya para tuyuin ang sarili. Ipinulupot sa aking katawan ang tuwalya at saka lumabas. Wala akong kinuhang damit dahil kadalasan ay sa kwarto ako nagbibihis.

"Sh*t!"

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, huli na rin kung babalik pa ako sa banyo dahil nasa akin na ang tingin niya.

Agad naman siyang umiwas ng tingin. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Nakasandal lang siya sa tapat ng pintuan at sa ibang direksyon nakatingin.

Bumuntonghininga ito at napakamot sa kanyang batok. "Wala ka bang balak magbihis?" tanong niya at ibinaling naman ang kanyang paningin sa paanan.

"Magbihis ka na muna. Pagkatapos mo rin ay sasagutin ko ang nga tanong mo." Dagdag pa niya.

Umayos ito ng tayo at saka naglakad palapit sa akin. Nakatingin lang ito sa sahig habang binabaybay ang daan palapit sa akin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang tuwalya dahil baka bigla itong mahulog. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang umaatras. Napakagat labi na lang ako nang maramdaman ang lamig ng pader na tumama sa likuran ko.

"Stop! D'yan ka lang, wag kang lalapit." utos ko sa kanya ngunit wala siyang narinig.

Nang nasa tapat ko na siya ay bigla itong huminto.

"Teka, anong gagawin mo?" Lalo niya pang nilapitan ang distansya sa akin at halos ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa. Itinaas niya ang kanyang tingin diretso sa aking mata.

Mahigpit ang pagkakakapit ko da tuwalya. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya.

"Chase,"

Napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Naramdaman jo na lang ang mainit niyang hininga sa gilid ng aking tenga.

"Magbihis ka o gusto mong bihisan pa kita?" bulong niya.

Itinulak ko siya dahilan para magkaroon ng distansya sa pagitan namin. Diretso lang ang tingin niya sa akin habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

Inirapan ko siya at saka dali-daling pumasok sa kwarto. Marahas kong isinara ang pinto. Napasandal ako sa likuran ng pinto at hindi binibitawan ang tuwalyo.

"Walanghiya ka, Chase." Dali-dali akong nagbihis at sinuklay ang buhok.

Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Chase na nakaupo na sa sahig at kumakain na ng noodles.

"Noodles ko 'yan ah. Ba' t nangingialam ka?"

"Ikaw ba bumili?" tanong niya sa akin. Itinulak niya ang isa pang mangkok ng noodles sa kanyang tapat. "Sit and eat." aniya.

Wala na akong nagawa kundi ang maupo sa tapat niya. Nilalamig rin naman ako kaya kailangan ko talaga ng mainit.

"Paano ka nakapasok?"

"I lied."matipid niyang sagot na ikinakunot ng aking noo.

"I told to the office that you lost your ID, so they made another one for you." Humigop siya ng sabaw at nang matapos ay ibinaba ang mangkok at tinapik-tapik ang t'yan.

"Minsan gago ka rin Chase, no?" puna ko sa kanya. Napansin kong noodles ang natira sa mangkok niya.

"Akin na 'yong isang ID, nakakatakot ka alam mo' yon?"

Yugen University - [COMPLETED]Where stories live. Discover now