CHAPTER THIRTY TWO

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ah!" pagtatanggi niya kaya natawa ko. Mas lalong namula ang mga pisngi ni Ate Zei. Para ngang may hawig siya pero hindi ko alam kung sino.

"Okay lang naman sa akin, Ate Zei. Boto ako sa'yo para kay Kuya. Please, make him happy," I said. Ngumiti lang siya sa akin.


Nag-decide kami na sa dorm na lang niya namin hintayin si Kuya Luxrae dahil wala kaming magawa sa office nito. We bought snacks at the cafeteria before we went to her dorm. Siya lang daw mag-isa at wala sila Ate Heyl, Archelle at Sapphire.


"I could stay in your dorm, Ate Zei if you want. Bored din ako roon sa kwarto ko eh," I suggested. "Wala pa naman si Ate Sapphire 'di ba? I could use her bed."


"Naku. Baka magalit si Sapphire," sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Hindi naman magagalit iyon.

"Hindi iyon! She's nice naman, Ate Zei." Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.


"Eh, 'di ba may gusto siya sa Kuya mo?" tanong niya sabay iwas ng tingin. Naguluhan naman ako sa sinasabi niya.

"Ha? Akala ko si Kuya Rant ang gusto ni Ate Sapphire?" naguguluhang tanong ko. Nanlaki ang mga mayang napatingin siya sa akin. Napatakip din ako nang bibig nang maalalang sikreto lang pala 'yon.


"Hala! Ate! Huwag mong ipagsasabi ha! Secret lang 'yon!"

"Anong ibig sabihin mo roon? Promise, secret lang natin!"


Nag-aalinlangan pa ako kung magkwe-kwento ako pero hayaan na nga. May tiwala naman ako kay Ate Zei. Sinabi ko sa kaniya ang lahat nang nalalaman ko tungkol kay Kuya Rant at Ate Sapphire. Gulat na gulat naman siya sa nalaman.


Alam ko ang tungkol sa relasyon nila dati pero ang alam ko wala na sila ngayon. Si Kuya Rant naman, hindi pa rin maka-move on. Naabutan ko kasi siya rati na tinitingnan ang picture ni Ate Sapphire kaya nalaman ko. Secret relationship nga lang ang mayroon sila.


Nagkwentuhan kami ni Ate Zei habang nasa dorm niya kami. Nalaman ko rin na bampira siya at hindi ako makapaniwala. Ang sabi niya itre-train daw siya ni Kuya. Naalala ko na naman tuloy noong nasa penitentiary ako. Ayoko na umulit doon.


"Gano'n ba talaga? Baka, hindi naman ganoon katindi sa akin. Sanay na rin naman ako dati kapag may nakikita akong sugatan," sabi ni Ate Zei.


Ilang minuto kaming nagkwentuhan habang napagdesisyonan namin na manood ng movie. Habang inaayos ni Ate Zei and dvd, napatingin ako sa drawer niya na nakabukas bahagya. Kanina ko pa napapansin ang nasa loob niyon. Dahan-dahan kong binuksan ang drawer habang napapatingin kay Ate Zei. Agad ko rin naisara nang makita kung ano ang nasa loob.


Biglang may namuo sa isipan ko. Hindi ako sigurado pero hindi impossible. Napatingin ako kay Ate Zei. Paano siya nagkaroon ng ganoon?

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon