Kabanata 18

4 0 0
                                    


At the dining room

-Elaisha-

"Isa akong bampira."

'B-bampira?'

Agad akong nanigas sa kinau-upuan matapos marinig ang tatlong salitang binitiwan niya. Nagduda pa ako nung una pero nang lumayo siya ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pagbago ng kulay ng kaniyang mga mata, naging kulay pula ito. Kahit sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, mas pinili ko nalang pagaanin ang atmosphere.
"Weh? H-hindi nga?"

Nagtagumpay naman ako ng matawa siya ng bahagya. " Kakaiba ka talagang binibini Elaisha." Kapagkuwan muli na naman siyang naging seryoso. "Ngunit hindi ako nagbibiro. Isa akong bampira." At pagkasabi niya noon ay bigla nalang naging dark red ang mga mata niya kasabay noon ang dahan dahang paghaba ng kaniyang canine teeth.

'Sh*t! Sh*t! Sh*t! Walang duda, bampira nga siya!'

Ang tanga ko! Bakit ngayon ko lang na- realise? Kaya pala sobrang puti ng balat niya! Tapos si Damon! Siguro bampira rin siya dahil sobrang bilis niya akong nahabol kanina. Naloko na! Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "P-papatayin mo ba ako?" Kinakabahan kong tanong. Nai-imagine ko na ang mangyayari. Kakagatin niya ako sa leeg tapos sisipsipin niya ang dugo ko hangang sa wala ng matira! Diba ganoon naman talaga ang ginagawa ng mga bampira? Katapusan ko na ba? Dito na nga ba ako mamamatay?

"Hahaha! Bakit naman kita papaslangin?"

'Huh?'

"Teka, hindi mo ba sisipsipin ang dugo ko?" Taka kong tanong, ang labo kasi niya.

"Maaari naman binibini kung papahintulutan mo ako" muli siyang lumapit sa akin at nag panic naman ako. "Oy! Oy! Diyan ka lang! Syempre hindi ako papayag no!" Sabi ko habang nakataas ang dalawang kamao. Mahirap na baka bigla nalang sumugod to!

"Hahaha! Huwag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa iyo. Ayaw ko namang maagang mamaalam ang aking munting katuwang." Sabi niya sabay kindat. Hay mabuti naman! Inaamin ko, nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya atsaka nawala na ulit ang mga pangil niya. " Nais kong malaman mo na nasa Kaharian ka na ng Niloxus at puno ng mga bampira ang palasyong ito kaya kung nais mong mabuhay ay wag kang lalayo sa akin, maliwanag?" Napatango na lang ako, napangiti naman siya. Magaling! Marami pa palang bampira dito

" Halika na Elaisha." Sabi niya at nauna ng naglakad papunta sa pinto. Actually, hindi iyon isang anyaya, more on utos ang pagkakasabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

Lumabas kami ng kuwarto at muling tinahak ang pasilyo patungo sa kung saan. Naging tahimik kaming pareho hanggang sa makarating kami sa tila isang dining room. Nahulog ang panga ko sa ganda ng lugar. May napakahabang mesa na may kakaibang design, may mga nakapatong pa ritong mga kandila at iba pang palamuti. Maging ang mga upuan ay may mga magagandang ukit. Sa itaas naman ay may tatlong naglalakihang mga chandeliers na kumikislap. Pustahan tayo, totoong dyamante ang mga bato doon!

Ngunit nawala rin kaagad ang pagkamangha ko sa lugar ng mapagtantong hindi lang kami ni Demetrius ang nasa silid. Kung nakakamatay kang ang pagtitig malamang patay na ako ngayon. Labing-isang tao, este bampira. Paano ko nalaman? Ang puti kasi ng mga balat nila. Nakaupo sila sa mga silya at lahat sila ay nakatingin sa akin. Oo sa akin lang! Sa bilang ko, anim ang lalaki na nakaupo sa kaliwa at lima naman ang babae na nasa kanan maliban sa isa na nasa dulong gitna ng lamesa . Mukhang kaedad ko lamang ang mga nasa magkabilang side ng lamesa, habang siguro mga nasa 30s na yung babae sa gitna. Sa totoo lang ang gwa-gwapo't ang ga-ganda nilang lahat!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 15, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

When I woke upDonde viven las historias. Descúbrelo ahora