Kabanata 1

29 7 1
                                    


"ELLE"

-Elaisha-

"Libre ako mamaya ano sama ka sakin?"

'Mukha mo!'

"Talaga? Pero ako hindi eh, sarre!"sarkastiko kong sagot. Ako, sasama sa isang tulad nya? Yak!

"AWWWWW! wala ka pala pre eh!"
Komento ng isa sa mga kasama niyang ulupong, mukha namang hindi yon nagustuhan ni bakulaw kaya kinwelyuhan nya agad ito

'Ayan! Magsuntukan na lang kayo! Hindi yung ako lagi ang napagtitripan'

Habang abala sila sa pagtatalo, kinuha ko na agad Ang pagkakataong makaalis. Naka isang metro na ako nang takbo nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.

" Anong..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ng mapagtanto kung sino ang humawak sa braso ko. Walang iba kundi ang lider ng mga ulupong.

"Oh, aalis ka na agad?" Bungad niya sa akin sabay ngisi ng nakakaloko. Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.

" Pwede ba... tigilan niyo na ako!" Napapagod kong pakiusap. Ngunit parang walang epekto sa mga ulupong. Tinawan lang nila ako. Hindi na ako nag-abalang tanggalin ang kamay ng lider ng mga bakulaw sa braso ko dahil ibabalik din naman niya iyon.

" Bakit ka naman namin titigilan, eh nage-enjoy kaya kaming palaruan ka. You're our most favorite toy Javier!"
Saad niya sabay tawa, ginaya naman siya ng mga kampon nya

"Tawa pa more! Parang ang babango ng mga hininga niyo! Eh mga contributors kayo ng air pollution!" Bulong ko pero parang napalakas ata

"Anong sinabi mo?!" Sabi ng isang ulupong, galit daw siya with matching paggalaw ng butas ng ilong

'So, matatakot na ako dyan?"

Sa wakas ay inalis na rin ni Dexter ang kamay sa braso ko. Hindi rin nagtagal at napagtanto ko kung bakit. Inagaw niya ang dala kong mga gamit at ikinalt sa sahig

'Napaka imature talaga!'

" Oops! Sorry " pahingi niya kuno ng tawad. My gosh! mas malinaw pa sa clear na sinadya niya yon! Langya ka talaga bakulaw ka!

"Oops! Sorry" panggagaya ko.
Sinamaan ko muna sila ng tingin bago ako umupo at bago ko damputin ang mga gamit kong kinalat nila sa sahig. Mabuti na lang at wala masyadong estudyanteng naapadaan sa gawi namin, kundi pagtatawana na naman nila ako. Eksaktong napulot ko sa lahat ng gamit ko ng maramdaman ong umangat nang bahagya ang palda ko.

' Mga letche! '

Agad akong tumayo at hinampas ng dala kong libro ang ulupong na gumawa noon." Langya ka talaga Dexter! " Patuloy lang ako sa paghampas sa lider ng mga ulupong habang tatawa-tawa sila ng mga kampon niya. Saka niya lang hinuli ang mga kamay ko nang napuruhan ko siya sa mukha

"Ouch! That hurts! You whore!" Sabi niya sabay tulak sakin. Sa sobrang lakas noon ay napaupo ako sa sahig. Nakaramdam ako ng sakit hindi dahil sa pagkakatulak niya sa akin kundi sa huling salitang binitiwan niya.

"Bawiin mo yung sinabi mo" seryoso kong sabi.

"No! Why, tinamaan ka?" Uminit ang dugo ko matapos marinig ang isinagot ni Dexter, sasagot na sana ako ng bigla akong may narinig na pamilyar na tinig

"Hey! Stop that! " ani ni Laura. Patakbo siyaang lumapit sa lokasyon namin. Nang tulyan na siyang makalapit ay tinulungan nya akong makatayo.

" Are you okay? " pangangamusta niya sakin, pero mas pinili kong hindi sumagot. Binalewala naman niya iyon at muling bumaling kina Dexter.

When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon