Kabanata 15

11 3 0
                                    



Separated

-Elaisha-



'Alam niya kayang galing ako sa ibang mundo? '

"May balat ka ba sa likod hija?" Napakurapkurap ako sa tanong ni lola dahil parang out of the topic iyon. "Ahh opo, bakit po?" May balat ako sa likod na parang isang semicircle  pero hindi ko magets kung bakit naging interesado si lola sa balat ko, eh wala naman akong nakikitang espesyal. "Maaari ko bang makita?"

'O-okay...That's kinda weird'

Nagdesisyon akong pagbigyan si lola at tumalikod. Inangat ko ang damit ko para makita niya ang balat sa likod ko, hindi rin naman nagtagal at pinaharap na ako ni lola.
"Bakit po?" Umiling si lola at napangiti. "Ahh pasensya ka na, akala ko kasi ikaw iyong hinahanap ko. Sige na, matulog ka na hija." Magtatanong pa sana ako kaso hinatid na ako ni lola sa kuwarto. "Oh anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Zagan habang nakasalampak sa kama. Oo matutulog kami sa iisang kuwarto, wala namang malisya iyon atsaka mabuti na rin to para hindi na mag-abala si lola na ayusin ang ibang kuwarto, isang gabi lang naman kami magtatagal. "Parang kakaiba si lola." Pag-amin ko at tumayo naman si Zagan." Ganoon talaga ang mga mangkukulam.." May nilatag  siyang banig sa sahig na hindi ko alam kung saan niya kinuha. "Sa kama ka na, ayos na ako dito sa baba."

"Sigurado ka?" Tumango siya at ngumiti ng nakakaloko. Agad niyang hinablot ang dalawang unan mula sa kama. "Hoy teka.." Inagaw ko sa kaniya ang isang unan. "Bakit mo inagaw? Dapat lang na mapunta iyan sa akin dahil dito ako sa baba matutulog!" Giit niya kaya hinampas ko sa mukha niya ang unan ko. "Kapal mo! Tag-isa dapat tayo ng unan no!"

"Tingnan mo to, madamot na, nananakit pa!" Balik niya at napanganga naman ako. Ako pa ngayon ah! Umangat din ang kamay niya para sana hampasin ako ng unan pero malas niya nakailag ako. Ahh ganoon? At doon mga kaibigan, nagsimula ang digmaan sa pagitan namin ni Zagan. Nag pillow fight kami na parang wala ng bukas, natigil lang ng mapagod na kami. "Goodnight Zagan.." Sabi ko matapos humikab. "Ano yung goodnight?" Hinila ko muna ang kumot sa katawan ko bago sumagot. "Iyon ang sinasabi sa amin kapag matutulog na.." Nakapikit kong sabi. "Kung gayon, goodnight din sa iyo, ate.."


~*~

Kinabukasan, matapos mag-agahan ay nagpaalam na kami kay lola. Kailangan naming magmadali para maabutan namin ang mga bampira. "Para saan yung sampung Qinns?" Tanong ni Zagan. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kaniya ang buong plano. Huminga ako ng malalim at nilahad sa kaniya ang mga ditalye. Magpapanggap si Zagan na bampira na bibili ng alipin at kunyari, bibilhin namin sina nanay, gamit ang pera ni Zagan, yung natira mula sa binigay ni tatay, at yung galing kay lola. "Sigurado ka bang gagana ang plano mo?" Putol sa akin ni Zagan.

"Oo naman!" Sa too lang..hindi ko alam. Wala na akong ibang maisip na paraan para mabawi sina nanay at tatay maliban sa pagbili sa kanila. Hindi option ang paggamit ng dahas dahil siguradong matatalo lang kami, kaya ang magagawa nalang namin ay utakan sila. "Teka, ako lang ang magpapanggap na bampira? Akala ko ba tayong dalawa, atsaka sa tingin mo ba sapat na ang perang hawak natin para bilhin sina nanay?"

"Nakikinig ka ba ha? Patapusin mo muna kasi ako." Sabi ko at napakamot naman siya sa ulo. "Oo, ikaw nalang dahil nagbago na ang isip ko. Mas makatotohanan kung makikita nilang may kasama kang alipin, at ako yun.." napangiti siya at inirapan ko naman siya. "Ahh alipin kita.."

"Hindi mo ba naiintindihan ang salitang kunwari? Akala ko ba nag-aaral ka." Ang ngiti niya ay napalitan ng busangot. Akala mo ha! "Kunwari gusto mo pa ng isang alipin. Syempre kulang ang pera natin pero ang sasabihin mo ay paunang bayad mo lang iyon, para isipin nilang may pera ka pa. Makinig ka.." Sinabi ko ang huli ng may diin kaya napaseryoso siya at tumingin sa akin. "Importanteng makuha mo ang atensyon nila. Kausapin mo, biruin,  bahala ka, basta huwag mong hayaang mapansin nila ako. Kapag nakuha mo na ang atensyon nila, doon na ako papasok sa eksana para palihim na pakawalan sina nanay at iba pang mga alipin. " sabi ko at napatango naman siya. Kailangang gumana ang plano!


When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon