Kabanata 5

20 7 2
                                    

The parents

-Elaisha-

Gaya nga ng sinabi ni Dexter ay mukhang abandonado na ang buong bahay, gayunpaman ay nagawa pa rin naming pumasok dahil hindi naman nakakandado ang pinto. Halos lahat ay napasinghap ng gumawa ng nakakatakot na tunog ang pagbukas namin sa pinto. Unang pumasok ang mga lalaki at kasunod naman kaming mga babae. Pagkapasok namin ay una kong napuna na medyo madilim sa loob dulot ng pagkakasara ng mga bintana at kawalan ng ilaw. Sa kabila nang mala mansyong laki ng bahay ay gawa naman Ito sa kahoy. Maging ang sahig na aming tinatapakan. May iilan pang mga mwebles ngunit karamihan dito ay sira-sira na at mukhang hindi na mapapakinabangan.

"Ako lang ba o sadyang malamig talaga dito?" Tanong ni Honey, isa sa mga kagrupo ko

"Whats that smell?" Si Nichole na napahawak sa sleeve ng damit ni Lorenz.

Halos mapatalon ako nang makarinig ng kaluskos mula sa Kung saan.
Ilang segundo kaming natahimik. Pinapakiramdaman ang paligid ng bigla kaming nakarinig ng malakas na kalabog.

"Ahhh!" Napatili na rin ako gaya ng iba

"Buwahahahahaha! The look on your faces are so funny hahah.."

'Pigilan niyo ako! Masasakal ko talaga ang taong to!'

"Dexter!!"

"Bro, thats not funny" si Lorenz habang pinapakalma ang naiinis na mga girls.

Patuloy pa rin sa pagtawa ang mokong, huminto lang ng tignan ko ng masama. Napabuntong hininga ako bago nilapitan ang pinaka malapit na bintana. Binaklas ko ang mga kahoy na nakatakip dito. Hindi naman ako nahirapan dahil luma na ito at madali nang matangal, nang tuluyan ko nang naalis ang mga kahoy ay nakapasok na ang sinag nang araw sa loob. Mas naging light na ang atmosphere. Ngayon ay maliwanag na namin nakikita ang paligid at hayag na hayag na ang kalumaan ng buong bahay.

"Listen up guys, gagawa tayo ng isang horror film, so expected na pati tayo ay madadala rin sa mga eksena, matatakot. Thats okay, pero please.. okay lang magbiro but not to the extend na makakaapekto sa project okay?" Tinapunan ko nang tingin si Dexter

"Yes Elle! O, hear that Dexter? You better behave na, or else..."

"Yea, yea! Fine!" Si Dexter habang nagko-cross arms

'Well, at least nawala ng konti yung takot nila'

"Tatapusin ko bukas ang script natin, I'll just e-mail it to everyone nalang. Ang next meeting natin ay on monday pa kaya guys, please memorize your lines, lalo na yung mga nasa first to fifth scene okay?" Pakiusap ko at agad din naman silang sumang-ayon. Pagkatapos ay nilibot na namin ang buong bahay. All in all may tatlong palapag ang bahay. Anim ang kuwarto. Ang iba dito ay sira-sira na ang sahig at ang iba ay wala nang pinto. kaya todo ingat kami sa paglalakad. Mahirap na at baka madisgrasya pa kami.

"Nicks?" Tawag ko

"Yes?"

"Tanong ko lang, paano mo nahanap itong bahay? Sure ka bang puwede tayong pumasok dito?"

"Malapit kasi dito yung dati naming house and wag kang mag-alala, wala pa namang nakakabili nang lupa. Gigibain na rin ito next month." Sagot niya. Mabuti naman.Muli kaming nagtipon sa bulwagan nang bahay.

"So what do you think guys?" Tanong ko

"I think its perfect! Maski nga tayo natakot dito nung una diba?" -si Sophia

"Agree! Papasa itong haunted hause! But I hope its not really haunted "

"Don't be afraid girls, nandito naman kaming mga boys eh, we will protect you" sabi nang isa pa naming kasama. Sumang ayon din ang iba pang boys. Ang iba sa kanila ay nag flex pa nang mga buto't balat nilang mga braso. Napailing nalang ako.

When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon