Kabanata 13

11 4 0
                                    



She's a Witch

-Elaisha-



"Heto.." sabi ko sabay abot kay Zagan ng mga putol na sanga ng kahoy, agad niya itong isinama sa iba pang kumpol ng kahoy na aming nakolekta. Sa tulong ng kakayahan niya ay pinaapoy niya iyon at boom! May instant bonfire na kami! Kasalukuyan kaming nasa isang gubat nagpapahinga. Susundan kasi namin ang mga bampirang kumuha kina nanay. Lumapit ako at tumabi kay Zagan. "Sabihin mo nga sa akin Zagan, paano natin mahahanap sila nanay? Anong plano mo?"

"Magandang katanungan! Simple lang, ang plano ko.... ay... ahh.. ano.." Nanlaki ang mata ko ng wala siyang maisagot

"Wala kang plano?!" Singhal ko at napalayo naman siya dahil siniguro ko talaga na malakas ang boses ko. "Ibig mong sabihin, tumuloy tayo sa malamok na gubat na ito ng wala kang planong nasa isip?" Tanong ko. Inaasahan kong bibigyan niya ako ng isang decent explanation pero ngumisi lang siya at nag peace sign  sa akin.

'Abat! Langya!'

Napa face palm nalang ako. "Kung wala ka pa palang plano sana nanatili muna tayo sa bahay ng tiyo mo, hindi iyong bigla bigla tayong pupunta dito! Tama nga ang siya,
ikakapahamak natin to!"

"Eh sino bang nagsabing sumama ka?" Nagpagntig ang taenga ko sa sinabi niya kaya ginawaran ko siya ng isang matinding kurot sa tagiliran. "Ahh, ganoon...kasalanan ko pa ha?"

"Aray! Elle naman!" Sabi niya habang hinihimas-himas ang tagiliran. Napabuntong hininga ako at lumayo. "Huy, galit ka ba?" Tanong niya habang sumunod sa akin habang hinahalungkat ko ang bag namin. "Huy,huwag ka nang magalit  ate..." pangungulit niya ng maging tikom ang bibig ko. Muli akong napabuntong hininga.
"Hindi ako galit Zagan, disappointed lang."

"Ano yung disappointed?"

"Ang ibig sabihin noon, binigo mo ako. Zagan alam kong gustong gusto mong mabawi sila nanay, pero hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos. Tandaan mo, ang pagsabak sa isang giyera ng walang dalang armas ay isang pagpapatiwakal!" Sabi ko, yumuko siya at humingi ng tawad "Ayos lang, kaya nga nandito si ate eh!" Bawi ko at napangisi naman siya

"Bakit siguradong sigurado ka na mas matanda ka sa akin? Diba nawalan ka ng alaala"

"Unang una sa lahat, mas bagay akong maging ate mo kasi isip bata ka!" Biro ko at nagprotesta naman siya. " Pangalawa, hindi naman talaga nawala ang alaala ko... "

"Ano?!"

'Sasabihin ko na ang totoo, ayaw ko ng magpanggap at magsinungaling pa'


"Pero ang sabi mo nawalan ka ng alaala? Yung sa gubat..diba sumakit ang ulo  mo..ibig sabihin nagsinungaling ka lang?" Litong lito niyang tanong

"Mali ka, wala akong  sinabi na nawalan ako ng alaala, ikaw kaya itong tamang hinala diyan! Sumakay lang ako no." Hirit ko sana para gumaan ang atmosphere pero mukhang mas lumala kaya napatikhim ako at nagseryoso " Patawad kung hinayaan kong iyon ang tingin nyo sa akin natakot kasi ako. Ang totoo niyan..." tinaasan niya ako ng kilay, naghihintay ng sagot.

'Galing ako sa ibang dimension'

"Ang totoo niyan...galing ako sa malayong malayong lugar, sobrang layo! At sa lugar na pinagmulan ko marami akong kaaway. Sa tingin ko pinadukot nila ako at tinapon sa
sa gubat kung saan mo ako unang nakita. "

When I woke upWhere stories live. Discover now