kabanata 4

25 7 0
                                    

Haunted Mansion

-Elaisha-

"What Did she say kuya?"
Tanong ng batang babae na ngayon ay tumahan na sa kakaiyak

"I don't know din sis eh, what did the old woman say ate?"
Baling sakin ng batang lalaki. Mukhang nagkabati na ang dalawa at tuluyan ng nakalimutan ang pinag tatalunan.

'Ako man din ay naguguluhan mga bagets! Kaloka si Mrs. Thompson'

"Wag niyo ng isipin iyon baby, but I'm sure, old woman don't want you to fight, kase bad iyon"

'Ano ba yan napapa old woman na rin ako haha!'

Mabuti naman at naging okay na ang magkapatid. Kahit naguluhan ako sa sinabi ng ginang ay mabuti naman ang kinalabasan noon. Umalis na rin ang dalawang bata ng tawagin ng ina, nilapitan ko naman si Mrs. Thompson. Naabutan kong nag-aayos ang matanda sa counter. Binabagabag pa rin ako dahil sa sinabi niya kanina. Totoong may mga halimaw at nasa paligid lang sila? Wag mong sabihing sa panahon ngayon ay  naniniwala pa sya doon!

"Tatayo ka na lang ba dyan?"
Biglang tanong niya na nagpagbalik sakin sa reyalidad.

"Po?" Tanong ko pero tinaasan lang ako ng kilay ng ginang. Itatanong ko ba? Bahala na.

"Ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyo kanina?" Tanong ko

"Nakatayo ka lang kasi at naaasiwa ako kapag ganoon, Kaya ko tinatong kung tatayo ka nalang ba dyan"

"Ha? Hindi po yun ang ibig kong sabihin...dibale nalang, kalimutan niyo na po" sabi ko sabay talikod. Paalis na ako ng bigla niyang binitiwan ang mga katagang mas nagpalito sa akin.

"Mapanlinlang ang pisikal na anyo iha. Mag-iingat ka"

'Mag-iingat? Mapanlinlang?'

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Hindi na ako nagawang sagutin ni Mrs. Thompson dahil tumunog ang wind chimes,  hudyat ng pagdating ng costumer. Wala akong nagawa kundi iwan ang ginang.

Tuluyan nang lumipas ang mahigit apat na oras kong shift. Hindi ko na nagawang tanungin si Mrs. Thompson. Mukhang hindi na rin naman niya bet mag explain pa. Napapansin ko lately,  mahilig ng magsalita ng patalinhaga ang ginang. Pinagtitripan niya kaya ako?

Tinulungan kong magsara ng bookstore si Mrs. Thompson. Matapos makapagpaalam ay tinahak ko na ang daan papunta sa tinitirhan kong apartment na hindi naman kalayuan.
Binati ko si Kuya Baste, ang  guwardya ng tinitirhan kong apartment. Nang makapasok na ako sa aking unit ay agad hinanap ng katawan ko ang couch. Padapa akong humiga dito. Walang anu-anoy may biglang nagsalita mula sa kung saan.

"Elaisha iha, bakit ngayon ka lang?"

Napabalikwas ako sa pagkakadapa at agad na hinarap ang nagsalita
"Lola! Ginulat niyo naman po ako! Bakit po kayo nandito?"

"Bakit hindi? Teka nga, galing ka ba sa part time job mo?"tanong ng aking lola. Napakamot ulo ako bago sumagot

"Opo, pero sa isang bookstore na po ako nagtatrabaho ngayon lola." Sagot ko saka tinungo na ang aking kuwarto para makapagbihis, hinayaan naman ako ni lola. Matapos kong magpalit ng pambahay ay lumabas din ako ng kuwarto. Nagtaka ako ng wala na si lola sa aking sala kaya hinanap ko siya sa ibang bahagi ng aking apartment.  Natagpuan ko siya sa akibg kusina, naghahanda ng pagkain.

"Nagluto ako, kumain ka na" pagkasabi niya nun ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Lumapit ako sa lamesa.

"Elaisha, huwag mo ng pagurin ang sarili mo, umuwi ka..."hindi ko na siya pinatapos at agad na nagsalita.

When I woke upWhere stories live. Discover now