Kabanata 12

13 5 0
                                    

Rescue

-Elaisha-


"Oo naman! Kalat na kalat na kaya ang balitang nambibiktima na naman ang mga bampira.."

'B-bampira?'

"Balita ko pa, may grupo ng mga bampira na nanghuhuli upang gawing alipin! Sinasalakay nila ang mga malalayong baryo!"

"Hay naku! Tama na nga, nakakatakot! Umuwi na tayo't malapit ng dumilim."

Gusto ko sanang sumabat sa kanilang usapan kaso nagmadali ng umalis ang dalawang ale. Tinapunan ko ng nagtatanong na tingin si Zagan.

"Umuwi na tayo." Yun lang at nauna na siyang maglakad. Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol sa mga bampira kaso biglang nag-iba ang mood ni Zagan.

'Totoo kaya iyong pinag-usapan ng dalawang ale? Totoo bang may mga bampira?'

Nakaramdam ako ng kaba sa ikinikilos ni Zagan. Nang makababa kami sa kalesa, ay mabilis ang lakad niya kaya halos tumakbo na ako para makahabol. " Teka sandali, may problema ba?"

"Shh! Tignan mo.." Pagkasabi noon ni Zagan ay inilibot ko ang paningin sa buong lugar, nung una naguluhan ako pero napagtanto kong gabi na pero ni isang bahay wala pang ilaw na naka sindi. "Parang.."

"Parang may mali" patuloy niya sa hindi ko nasabi. Muli kaming naglakad pero this time, binilisan ko na rin ang lakad. Naestatwa ako at mapako ang paningin sa isang bahay. Parang namantsahan ng kulay pulang likido ang kanilang kurtina.

'Please don't let it be blood'

Huminto si Zagan, nagtataka sa akin. Itinuro ko ang bahay at maging siya ay nagulat. Parang may kung ano akong nararamdaman at hindi ko iyon mapaliwanag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng biglang may ideyang pumasok sa isip
"Sina nanay.." pagkasabi ko noon ay saka palang napagtanto ni Zagan kung anong nais kong ipahiwatig. Wala na kaming sinayang na oras at patakbong tinahak ang daan pauwi.


"Hindi..hindi.." usal ni Zagan ng madatnan naming nakabukas ang pinto ng bahay. Natutop ko ang bibig ng makitang nagkalat ang lahat ng gamit.

"Nay? Tay?" Tawag namin pareho pero wala kaming nakuhang sagot. Tinignan namin ang lahat ng kuwarto pero hindi talaga namin makita sila nanay. Muling lumabas si Zagan. Nangunot ang noo ko ng may mapansing papel sa ilalim ng bangko, pinulot ko iyon. May mga kakaibang symbol akong nakita sa papel, hindi ko ito mabasa kaya tinawag ko si Zagan.


"Bakit?" Tanong niya at pinakita ko ang papel, agad niya itong kinuha. Tinignan niya ang bawat simbolo, sa tingin ko naiintindihan niya iyon.
"Ano ba yan?" Tanong ko ng bahagya niyang nalukot ang papel.

"Sulat, galing kay nanay" nanginig ang boses niya."anong sabi?"

"Isang salita lang...bampira"


'Sinalakay sila ng mga bampira?Pero may  kapangyarihan sina nanay!'

"Paano nangyari iyon? Diba mga Salamangkero sila?" Naguguluhan kongtanong. "Marahil mayroon silang Luwensa. Isa iyong lason na kapag nasinghot ay nakakapagpawala ng bisa ng aming salamangka."Nanlulumong napaupo sa sahig si Zagan, nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang siyang umiiyak. "Wala na si nanay at tatay."

"Z-zagan hindi.."


"Hindi mo ba naiintindihan ha? Dumating sila dito at pinatay ang mga magulang ko! Ganoon din ang ginawa nila sa mga nakatira sa mga bahay na nadaanan natin!" Humihikbi niyang sabi, nagbara ang lalamunan ko. " kasalanan ko to! Kung sana nanatili ako sa bahay sana natulungan ko sila! Sana hindi nalang ako umalis! Sana.."

When I woke upWhere stories live. Discover now