Kabanata 10

13 6 0
                                    

Backfire

-Elaisha-

Nang malaman ni nanay na gusto kong alamin ang lahat tungkol sa mundo nila, gaya ni Zagan ay nag alinlangan din siya pero sa huli napapayag ko rin. Naisip kong kay tatay Thanos mag pa kuwento dahil ayaw kong abalahin si nanay dahil alam kong marami siyang ginagawa bilang ilaw ng tahanan. Si tatay naman ang pangalawang nakatatanda sa bahay at Sa tingin ko marami nang experience sa mundo. Ayon sa kaniya ang lugar kung saan sila nakatira ay sakop ng Kaharian ng Ezquinn. Ang sabi pa niya sila ng kaniyang pamilya ay kabilang sa lahi na mga salamangkero ng apat na elemento. Ang fire, water, earth and air. Katulad ni Zagan, kaya ding kontrolin ni tatay Thanos ang apoy. Nagpakitang gilas nga sa akin ang mag-ama. Pinasayaw nila ang apoy sa kanilang palad, na sita sila ni nanay dahil baka may madilaang gamit ang kanilang apoy. Mabuti nalang hindi nasunog ang bahay haha. Ang cool nga eh! Para silang mga avatar.

Gusto ko pa sanang magpa-kuwento kaso ang sabi ni tatay, mas makabubuti kung visual kong makilala ang iba pang nilalang na nakatira sa Kaharian ng Ezquinn. Para mangyari iyon ay pinayagan nila akong pumasyal sa bayan, pero syempre hindi puwedeng ako lang mag-isa, kaya sasamahan ako ni Zagan.

~*~

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Plano ko kasing maligo. Kung nagkataon, pang-apat ko na itong araw na hindi naliligo.

'Hay.. ang baho ko na yuck!'


Inabot sa akin ni nanay ang mga luma niyang damit bilang pamalit ko. Ilang araw na rin pala niya akong pinapahiram. Nagkakasya naman sa akin kahit papano.

"Saan po ba dito ang banyo?" , tanong ko kay nanay pero imbes na sagutin ako ay tinawag niya si Zagan. Lumabas si Zagan ng kuwarto na magulo ang buhok. Mukhang ngayon lang siya gumising.


"Maliligo ang ate mo, samahan mo siya't hindi niya alam ang daan."

"Bakit ako?" Tanong niya habang kusot-kusot ang mata

"Kasi sinabi ko, kaya sige na! Maaga pa kayo sa bayan."

Hindi ko maintindihan kung mawi-wirduhan ba ako dahil sasamahan ako ni Zagan o matatawa ako dahil sa nakabusangot niyang ekspresyon. Nauna na siyang maglakad sa akin kaya sumunod nalang ako. Pumasok kami sa kakahuyan.

"Teka, tama ba itong dinadaanan natin?" Tanong ko dahil hindi ko magets kung bakit pa bumalik kami sa gubat. Ano may ipapakilala na naman siyang hayop?

"Sumunod ka nalang."

'Ay galit? Whats with him? Mukhang bad mood ah.'


"Bakit ka pa maliligo?" diretso lang at walang lingong tanong niya. Napanganga naman ako sa tanong niya


"Siyempre no! Ano bang klaseng tanong niyan? Ilang araw na akong di nakakaligo, ang baho ko na!" Kuda ko. Nagulat ako ng timigil siya sa paglalakad at lumapit sa akin. Sobrang lapit! Nanlaki ang mata ko. Para niya akong inaamoy.

"Hindi ka naman mabaho ah!"

'Abat! Langya inamoy nga ako!'

When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon