Kabanata 7

17 7 1
                                    


The Frustration

-Zagan-


Gabing gabi na pero heto ako't  nagpapakapagod pa rin! Sana matagpuan ko na ang bulaklak para naman makauwi na ako. Ang hirap naman kasing hanapin ang bulaklak na sinasabi ni maestro.


"Paano kaya kung umuwi na ako? Tapos sasabihin ko nalang na..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ng makarinig ako ng isang sigaw. Sigaw ng isang babae. Agad akong naalarma at sinundan kung saan ito nagmumula.

'Anong ginagawa ng isang babae dito?'

Hindi nagtagal ay namataan ko siyang tunatakbo. Huminto ako at nagkubli muna sa likod ng puno para sana alamin kung sino ang humahabol sa kaniya, ngunit nangunot ang aking noo nang mapagtanto kung sino ito.


'Seryoso ba siya? Pero bakit naman siya tatakbo mula sa...'


Muli kong sinundan ang babae. Napagdesisyunan kong umakyat sa puno. Patalon-talon ako sa mga sanga ng bawat punong nadaanan ko. Kahit nakalayo na siya ay hindi naman ako nahirapang makahabol.


"Waaa! Panaginip lang ito! Masamang panaginip. Gising na! Gising na!"


'Huh? Anong sabi niya, panaginip?'


Kakaibang babae. Ang akala niya nananaginip siya? Napailing ako at patuloy siyang sinundan hangang sa nadulas siya sa isang bangin. Bababa na sana ako para tulungan siya nang hilain niya ang sarili.


'Sabi ko nga kaya mo'


Gaya ko ay nakahabol na din ang mga Teran at ngayon ay nakapalibot sila doon sa babae. Nang makahalata na siya ay nagpakawala uli siya ng isang sigaw at dali-daling kumaripas ng takbo.


"Ano bang problema niya?"


Napatalon na naman ako upang sundan siya. Napapaisip kung bakit nais niyang takasan ang mga Teran. Napahinto ako sa ikatlong pagkakataon ng pumasok ang babae sa isang kuweba.


'Mukhang maaaliw ako sa isang ito'


Batid naman siguro niya na tirahan iyon ng mga Tikaz hindi ba? Paniguradong hindi nila magugustuhan ang panggagambala niya. Tatlong segundo lang ang itatagal niya. Isa...dalawa...tatlo...


"Aaaaahhhhhh!!!!"

Napatakip ako ng taenga sa sobrang tinis ng kaniyang pinakawalang tili. Patakbo siyang lumabas ng kuweba habang inaatake ng mga Takiz. Ano ba kasing iniisip niya at pumasok pa siya sa loob?


"Waaaa!! Tigilan nyo na ako please!
Ano ba! Kailan ba ako magigising?!
Ahh!.."

When I woke upWhere stories live. Discover now