Panimula

49 11 0
                                    

Malalim na ang gabi. Wala ni isang bituwin ang mamamataan sa kalangitan. Ang liwanag na nagmumula sa buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa kagubatan ng Azera. Tanging ang paghinga nang isang dalagang mahimbing na natutulog ang namumutawi sa tahimik na kapaligiran. Ngunit dahil sa lakas ng ihip ng hangin, ay maalimpungtan siya.

'Ang lamig naman!'

Pikit mata niyang kinapa ang kanyang kumot. Ilang segundo na ang lumipas pero, hindi niya parin ito matagpuan.

'Nasaan na ba yun? '

Naisip niya na baka ay nahulog na naman sya sa sariling kama nang hindi maramdaman ang lambot nito.Kaya naman inis siyang bumangon, habang nakapikit parin ang mga mata. Bahagya nyang iniangat ang mga kamay at sinimulan na niyang kapain kung saang sulok naroroon ang kaniyang kama. Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi niya parin ito matagpuan, kaya naman nag desisyon na syang dumilat. Sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay napakunot ang kaniyang noo sa kapaligirang bumungad sa kanya.

"Huh?" Tanging naiusal niya.

Napakurap-kurap siya sa pagbabakasakaling syay lamang ay namamalikmata. Hindi pa siya nakuntento at kinusot-kusot rin niya ito.

"N-nasan ako?" Tanong niya sa sarili ng mapagtantong wala siya sa kaniyang silid at hindi siya namamalikmata. Nilukuban agad siya ng takot.

May kadiliman ang paligid, ngunit may maaaninag parin dahil sa sikat ng buwan. Napayakap siya sa sarili nang umihip ang malakas na hangin, kasabay noon ang pagsayaw ng mga dahon ng puno na naka palibot sa kanya.

'G-gubat? Gosh! Nasa gubat ba ako?
Pero.. paano?'

Pilit niyang inalala kung paano siya napadpad sa lugar na ito, ngunit kahit anong pilit ay nanatiling Itong pala-isipan sa kanya.

'Is this a dream?'

Wala na siyang ibang maisip pa na dahilan kung paano siya napunta sa gubat. Imposible namang naglakad siya habang tulog dahil sa pagkakaalam nya,wala namang malapit na gubat sa kaniyang tinitirhan. Mas lumakas pa ang kaniyang paniniwala na siya lamang ay nananaginip, dahil madalas naman siyang nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip na tila totoo.Bigla syang napatayo ng makarinig ng tila nabaling sanga ng puno

"H-hello?"

Nung una natakot siya pero bahagya rin namang humupa ang takot na naramdaman niya ng maalalang sya lamang ay nananaginip. Hinakbang niya ang kanang paa at nagsimulang lumapit sa pinanggalingan ng tunog, na tila ba nagmumula sa likod ng isang malaking puno. Ilang pulgada nalang ang layo nya mula rito ng mapagtantong mas madilim na sa parteng yun.

'Just a dream.. Wala namang mawawala sakin eh' Kumbinsi nya sa sarili

Lalapit pa sana siya nang makarinig nang paghinga. Napatalon sure ya at napaupo sa lupa dahil sa gulat.

"A-ano yun?"

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nalang sumulpot sa kanyang harapan ang pares ng pulang ilaw na mistulang mga matang nanlilisik na nakatingin sa kanya.

'Just a dream! Just a dream!' Pikit mata niyang pangungumbinsi sa sarili

Ngunit tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan nang pagdilat niya ay napapalibutan na siya ng mga matang nanlilisik

"Aaahhh!!" Napasigaw sya at dali daling tumayo at kumaripas nang takbo

Kasabay nang malakas na ihip nang hangin ay walang tigil sa pagtakbo ang dalaga. Di niya alintana ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat, kahit na manipis lang ang suot niyang damit. Kahit na halos di nya makita ang dinadaanan, ay patuloy parin siya sa pagtakbo lalo na nang maramdaman niyang sinusundan sya.

'Sh*t!'

"Waaa! Pananginip lang to! Masamang panaginip. Gising na! Gising na!"

Pero kahit anong gawin niya ay di parin sya nagigising,taliwas sa nakasanayan niya. Habang tumatakbo
ay sumabit pa siya sa mga malalaking baging na di nya napansin. Naging dahilan iyon para bumagal sya. Nang makawala,ipinagpatuloy niya ang pagtakbo , ngunit dahil madilim ang paligid, nabigo siyang mapansin ang isang bangin. Nadulas siya at pada-usdos na nahulog. Sakto namang may nahawakan syang baging, kumapit siya dito.

"Aaaahhhh!! Ayo ko naaa! Gusto ko nang gumising!!"



Naalala nyang siya lamang ay nanaginip, ibig sabihin kaya niyang gawin ag kahit ano basta kontrolado niya ito. Buong lakas niyang hinila ang sarili sa tulong na rin nang kinakapitang baging. Nang tuluyan siyang ma-akyat, inakala niyang makakahinga na siya pero,tila ba kinakapitan siya nang kamalasan
dahil, tulad nang eksena kanina ay napapalibutan na naman siya nang mga matang nanlilisik. Mistulang nagkaroon sila nang pagkakataong makahabol nang muntikan na siyang mahulog sa bangin.

'Lubayan niyo na ako!'

Kahit di pa nakakahinga ay pinilit niyang inihakbang ang paa at kumaripas na naman nang takbo.
Patuloy siya sa pagtakbo hanggang sa may namataan siyang isang kweba. Iniba niya ang kanyang ruta at dumiretso sa kinaroroonan nito para magtago.Nang makapasok, agaran niyang napansin na napakalamig sa loob nang kweba. Malamig sa labas pero iba ang lamig sa loob. Tila nanibago siya sa dilim dahil wala na talagang pinagmumulan nang liwanag di katulad sa labas na may sinag pa nang buwan. Wala na syang sinayang na oras at dali-dali niyang isiniksik ang sarili sa gilid ng pader. Habol nya ang hininga.

'Gumising ka na! Gising! Bakit di pa ako nagigising?'

Ilang segundo na ring tahimik ang paligid. Naisip niyang baka ay di na sya sinusundan ng kung ano mang nilalang. Napabuga siya nang hangin at napahawak sa dibdib.

"Hhaay...grabe!! Hiningal ako dun ah!
Mabuti naman tinigilan na nila ako
Haayy..."

'Tik! Tik! Tik!'

'A-ano yun?'

"Tik! Tik! Tik! Skecchhh!!!"

Pigil ang kanyang hininga habang dahan dahang umikot. Nakahinga naman siya ng maluwag ng wala namang bumungad sa kanya nang biglang...

"Tiikksskkeecchh!!!!"

"Aaaaaaaaahhhh!!!"

kumawala ang napakatinis na
Tili nang kung anong hayop at dahil doon napasigaw din ang dalaga.

'Wooshh!'

Sa isang kisap mata ay bigla nalang siyang sinugod ng mga nilalang na may pakpak. Agad naman siyang nataranta at patakbong nilisan ang kweba. Hanggang sa labas ay sinusundan parin sya ng mga nilalang na napagtanto nyang mga paniki.

"Stop!!"

Pilit niya itong binubugaw habang tumatakbo. Mukhang nakakalayo naman na siya mula sa mga ito.

"Waaaa!! Tigilan nyo na ako please!
Ano ba! Kailan ba ako magigising?!
Ahh!.."

Di nya inaasahang madadapa siya at muntikan nang masubsob ang nguso nya sa lupa. Napangiwi siya nang makaramdam nang hapdi sa mga braso at tuhod.

"Teka..di ka nasasaktan sa panaginip!
Ibig sabihin... totoo to? Waaaahhh!!!
PAANO AKO NAPUNTA DITO?!"

A/N: Yan lang po yung nakayanan ko sa ngayon haha. Gagandahan ko pa po sa susunod na chapters. Yung susunod po nasa First person point of view na po. Maraming salamat po sa pagbabasa♥♥

So what do you think? I want to know what's on your mind.

Vote Comment Share

-SacredHeir

When I woke upWhere stories live. Discover now