Kabanata 11

13 6 0
                                    

Gossips

-Elaisha-

Ilang oras akong nagtulogtulugan sa kuwarto. Syempre hindi ako makatulog dahil gusto ko talagang pumunta sa bayan! Tanghali na ng lumabas ako ng kuwarto.

"Oh anak, dadalhan na sana kita ng pagkain sa kuwarto. Bakit ka lumabas?"

"Maayos na po ang pakiramdam ko nay, totoo po! Hindi naman po ganoon kasakit ang ulo ko." Pangungumbinsi ko. Dahil lumabas na rin ako sa kuwarto niyaya nalang niya akong sabayan sila sa pagkain.

"Nay, tay, pwede na po ba akong tumuloy sa bayan?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain.

"Sigurado ka bang kaya mo na? Baka sumakit uli ang ulo mo doon."

"Ayos lang tay, sasamahan naman po ako ni Zagan eh.." huminto ako at sinulyapan si Zagan na parang wala ng bukas kung kumain. " Atsaka baka po  may maalala ako kapag pumunta ako sa bayan." Napabuntong hininga si nanay kaya hinawakan ni tatay ang kanang kamay niya

"Sige na mahal, hayaan na natin ang bata. Kasama naman niya si Zagan eh."

"Oh sige." Pagpayag ni nanay

"Maraming salamat po!" Sabi ko at binilisan na ang pagkain. Nang matapos ay ipinagbalot kami ni nanay ng tinapay. May listahan pa siyang binigay kay Zagan, siguro mga kailangang bilhin para sa bahay.

"Heto Zagan, sumakay kayo sa kalesa. Pag nakarating na kayo sa bayan, huwag mong papabayaan ang kapatid mo ah, kundi malalagot ka sa akin." Banta ni tatay habang inaabot ang mga kulay gintong barya.

'Wow! Gold coins ang pinangbabayad nila dito?'

"Tay naman! Syempre, hindi ko papabayaan si El... ate! Si ate tay." Iniba agad ni Zagan ang tawag sa akin ng pandilatan ni tatay haha


"Heto pa." Dinagdagan ni tatay ang ibinigay niyang gintong barya. "Ibili mo ng damit ang ate mo, at kung ano mang magustuhan niya."

'Para sa akin?'

"Tay, hindi na po kailangan..."


"Sige na anak, pagbigyan mo na ako. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak na babae." Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi ni tatay. Kusang kumalaw ang mga braso ko at niyakap ko siya, nakisali si nanay.

"Anak, babalik ka pa ba?"

"Nay ano bang klaseng taning iyan? Atsaka bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko habang sinasalo ang mga luha ni nanay

"Unti-unti ka ng nakakaalala, naalala mo na nga ang mga tunay mong magulang hindi ba? Natatakot akong kapag nasa bayan ka na magdesisyon kang hindi na bumalik para hanapin sila."

'Nay...'

"Nay, huwag na po kayong umiyak.   Babalik pa po ako, kayo ang nanay ko diba? Kayo na ang pamilya ko ngayon, at kung sakaling kinakailangan ko mang umalis magpapaalam ako sa inyo, pangako."
Sabi ko at napangiti naman si nanay. Paano kaya kung sa mundong ito nalang ako ipinaganak? Paano kung si nanay Jalaiya nga ang naging totoo kong ina? Magiging masaya kaya ang lahat?

Panay ang kaway ni nanay habang papaalis kami ni Zagan, natigil lang ng nakalayo na kami. "Ang swerte mo sa nanay mo Zagan."

"Nanay natin, magkapatid na tayo diba? Ate..." patuya niyang sinabi ang huli, natawa nalang ako. Ang sabi niya ay maglalakad muna kami ng ilang minuto para makarating sa sakayan. Habang naglalakad kami ay may nakikita akong ibang kabahayan. Tulad ng kina nanay, gawa din sa kahoy. Parang nasa Amerika pala dito, ang layo ng mga bahay eh. Naaliw ako sa tanawin, para kasing nasa probinsiya ako. Bundok at puno lang ang makikita. Nang makarating na kami sa sakayan ay pinara no Zagan ang isang kalesa,  pinapatakbo ito ng isang kabayo

When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon