Kabanata 6

20 7 2
                                    

Accident

-Elaisha-

After class ay dumaan na muna ako sa bookstore. Nagpaalam ako kay Mrs. Thompson kung pwede akong lumiban muna sa trabaho ng tatlong araw para mas maka concentrate ako sa project namin. Alam kong sobra itong hinihingi ko pero nagbakasakali pa rin ako. Sa kabutihang palad ay pumayag naman ang ginang.
Bilang kapalit ay nangako akong babawi pagbalik ko. Pagkatapos kong magpaalam ay nagtungo na ako sa location. Pagdating ko ay kumpleto na kami kaya wala na kaming sinayang na oras at nagsimula na.

In fairness, naging matiwasay naman ang unang araw ng shooting. Kataka-taka namang walang kalokohang ginawa ang Dexter. Hindi ko nga mawari kung dahil ba kasama ko sina Laura at Angel o sadyang marunong naman talagang siyang mag seryoso sa buhay.

"Cut!" Sigaw ko"Great job guys! Break for 15minutes tapos another scene na naman." Pagkasabi ko noon ay kanya-kanyang nag pulasan ang mga kasamahan ko

'Taray! Feeling na feel ko talaga ang pagiging direktor!'

Malapit nang dumilim kaya sa tingin ko ay isang eksena nalang at pack-up na kami. Sa susunod pa kasi yung mga eksenang takutan, inuna namin yung scene na nangangailangan ng araw. Ang gagawin naming short film ay tatakbo ng 25-30 minutes. Nagsulat ako ng 15 scenes na pagkakasyahin namin sa nakatalagang haba ng oras.

Sa labas ng bahay ay may malawak na harding matagal ng napabayaan pero pwede pa ring tambayan. Naglatag kami ng tela sa Bermuda grass. Umupo kami nina Laura at Angel. May pinag-uusapan silang bagay na hindi ko napakinggan dahil nabihag ng bahay ang atenaiyon ko. Sa totoo lang napaka ganda nito kaya hindi ko maintindihan kung bakit umalis ang dating nakatira at inabandona ang buong bahay. Umihip ang malakas na hangin at napapikit ako.

'Isang Dalisay na...'

"Ano sabi mo?" Tanong ko ngunit napapitlag ako ng wala na sina Angel at Laura tabi ko

"Ang gigising ..."

"Sinong nandyan?" Kinakabahan kong usal. Sinubukan kong hagilapin kung saan nanggagalung ang boses ngunit wala talaga akong makita. Mas nangunot pa ang noo ko ng mapagtantong tila ba ay nasa isang gubat ako

"Ang Propesiya..."

Napamulat ako ng maramdaman kong niyugyog ang katawan ko.

"Huy! Nakikinig ka ba Elle?" Napa kurap-kurap ako bago nakilala ang taong kaharap ko

"Gel?" Tanong ko na parang ngayon ko lang siya nakita

"Oh? Anong nangyari sa'yo?" Balik na tanong niya. Hindi ko agad sya nasagot at pinasadahan ng tingin ang paligid. Laking gulat ko ng mapagtantong nakabalik na ang lahat at nakatingin sila ngayon sa akin na naguguluhan.

"Hey, are you tired? Coz you look like you slept while sitting" si Laura

"Ako?" Kunot noo kong tanong na si Angel ang sumagot

"Ay hindi, ako! Syempre ikaw. Ang tagal mong nakayuko dyan. Bukas niyo na lang kaya to ipagpatuloy" suhestyon ni Angel

Napalunok ako bago nagsalita. "May iniisip kasi ako. Napasobra ata pero ayos lang ako, tara shoot na uli tayo!" Aya ko at tumayo na.

Nang matapos ay naghanda na ang lahat at umalis. Gusto pa sana akong kulitin nina Angel at Laura tungkol sa pagiging wierd ko kanina pero tumangi ako at sinabi ko na sa susunod nalang dahil napagod ako ngayong araw. Naintindihan naman nila kaya hinayaan na nila akong umuwi.

Nang makarating ako sa tinutulungan agad akong nagtungo sa banyo.

'Kailangan kong mahimasmasan'

When I woke upWhere stories live. Discover now