Kabanata 17

7 2 0
                                    



I'm a Vampire

-Elaisha-

'Sh*t! I'm sold!'

Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng aking puso. May kung sinong humila sa aking paalis sa stage at bigla nalang nagdilim ang lahat ng may nilagay silang piring sa mga mata ko. May humawak naman sa magkabila kong braso sabay tulak sa akin na para bang itinuturo sa akin kung saan ako dapat pumunta. Wala naman akong nagawa kundi ang mag pa-ubaya. Pinaupo nila ako sa isang malambot na upuan at may narinig akong tunog ng isang pintuang sinirado. Naramdaman kong gumalaw ang lahat, saka ko palang napagtanto na marahil ay nakasakay ako ngayon sa isang karwahe. Nakatali pa rin ang mga kamay ko kaya pinakiramdaman ko nalang ang paligid.

'Tahimik... sobrang tahimik'

Pero pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. Para bang may kasama ako sa karwahe. Napatunayan ko iyon ng bigla kong maramdaman ang hininga ng kung sino sa aking leeg. Kinilabutan ako at hindi sinasasadyang napabaling sa gawing pinagmulan nito.
"S-sinong nandyan?" Ngunit wala akong nakuhang sagot. Pakiramdam ko talaga may kasama ako kaya umusog nalang ako sa aking kaliwa at siniksik ang sarili sa karwahe.

'Paano na? Anong mangyayari sa akin?

Mahaba ang biyahe kaya hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Laking pasasalamat ko ng hindi na nakagapos ang aking mga kamay. Pinagmasdan ko ang aking palapulsuhan at hinimas ang mapupulang marka na gawa ng lubid. Napabuntong hininga ako bago pinasadahan ng tingin ang buong kuwarto. Kumislap naman ang aking mata ng mamataan ang pinto. Lumapit ako dito at sinubukang pihitin ang doorknob at nagtuloy-tuloy iyon.

'Bukas!'


Wala na akong sinayang na oras at nilisan na ang silid, ngunit sa aking paglabas panibagong silid na naman ang bumungad sa akin. At napagtanto ko na ang silid na aking pinanggalingan ay bahagi lang pala ng isang malaking kuwarto. Isa lang ang masasabi ko at iyon ay grabe! Alam kong hindi akma ang mamangha pa sa sitwasyon ko ngayon ngunit hindi ko mapigilang hindi ma amaze sa kuwarto. Puno ito ng nagagandahang muwebles na nakapatong sa marmol na sahig pati ang kama ay napakalaki na animoy kakasya roon ang isang pamilya, idagdag mo pa na mukha itong malambot higaan.


'Ano ba Elle!'


Napailing ako at muling hinanap ang pinto, nang makita ko iyon ay agad akong lumapit at sinubukan kung bukas iyon at sa kabutihang palad ay oo. Pagkalabas ko ng kuwarto ay bumungad sa akin ang isang pasilyo. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako ngunit isa lang ang malinaw sa akin at iyon ang makaalis dito. Binagtas ko ang kahabaan ng pasikot-sikot na pasilyo hanggang sa makarating ako sa isang malaking hagdanan. Actually dalawang hagdan ito na nagtagpo at sa gitna nito ay may panibagong hagdan na naman, bababa sa isang palapag. Huminga ako ng malalim bago inihakbang ang kanang paa pababa hangang sa makarating ako sa gitna. Bababa na sana ako sa gitnang hagdanan ng bigla akong may nakitang lalaking nakatayo sa susunod na palapag. Nagtama ang paningin namin at nanginig ang buo kong katawan dahil sa lamig ng kaniyang mga mata. Nakilala ko siya dahil sa suot niyang itim na coat. Siya yung natalo sa auction kanina! Pero bakit nandito siya?

"Saan ka pupunta?" Buo at malalim ang kaniyang boses. Muli kong naalala ang aking pakay. Sumulyap ako sa aking gilid kung saan may isa pang hagdan. Muli kong ibinalik ang paningin sa lalaki at pabalik muli sa hagdan. Nakita kong nangunot ang kaniyang noo at naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Sumagot ka!!" Biglang sigaw niya kaya napatalon ako. Ang kaninang seryosong ekspresyon ay napalitan ng galit. 'I need to stay away from him!' Tumakbo ako paakyat sa pangalawang hagdan at naramdaman kong sumunod siya. Binilisan ko talaga ang pagtakbo ngunit sa isang kisap mata ay biglang tumama ang aking likod sa pader. Napagtanto kong isinandal ako sa pader noong lalaki kanina ngunit paano niya ako naabutan ng ganoon kabilis?

When I woke upWhere stories live. Discover now