Kabanata 14

12 3 0
                                    




Did she know?

-Elaisha-


"Isa akong mangkukulam hija," Nalaglag ang panga ko.

'Well it turns out Zagan wasn't joking after all '

Napaatras ako at nabunggo si Zagan. Natawa si lola. "Hindi ako nangangagat hija."

"Kalma, oo nga't isa siyang mangkukulam pero hindi siya gumagamit ng itim na mahika." Pangungumbinsi ni Zagan at nakahinga naman ako ng maluwag. Humingi ako ng tawad kay lola. "Ayos lang hija. Umupo muna kayo diyan at magluluto ako ng makakain natin." Yun lang at umalis na sa paningin namin si lola. Agad naman akong humarap kay Zagan. "Bakit hindi mo sinabi agad?"

"Kanina ko pa kaya sinabi sa iyo."

"Tss! Paano mo yun nalaman?" Tanong ko at umupo sa pinakamalpit na silya, ganoon din ang ginawa ni Zagan. " Kutob ko lang, galing ko no?" Sagot niya at napangiwi naman ako. "Hindi, nalaman kong isa siyang mangkukulam ng maramdaman ko ang kapangyarihan niya."

'Woaw..psychic din pala itong si Zagan!'

"Edi ikaw na." Natatwa kong kumento. Agad kong napagtanto na nasa bahay pala ako ng isang mangkukulam, ang boring naman kung uupo lang ako diba? It's adventure time! And besides, it's not like everyday makakatagpo ka ng isang witch diba? "Uy,saan ka pupunta?" Tanong ni Zagan pero hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa isang shelf na puno ng mga libro, pero bigla nalang napalibutan ng alikabok ang paligid at napaubo ako. Ang may salarin ay ang walang hiyang si Zagan na inihipan ang siguro ilang daan taong alikabok na nakadikit sa mga libro. Patawatawa siya sa tabi ko. Pero hindi rin nagtagal ay naubo na rin  siya. "Buti nga sa iyo!" Sabi ko at nagpagpag dahil kinapitan ng alikabok ang damit ko. Nagdesisyon akong iwan si Zagan at lumipat ng puwesto. Lumapit naman ako sa mga glass bottles na parang mga potions. "Saan kaya dito yung lason?" Parinig ko kay Zagan, lumapit na rin siya at kumuha ng isang bottle na may dark green na likido sa loob. "Marahil ito ang iyong hinahanap, sige inumin mo na"

'Abat, langaya talaga!'

Sasagot na sana ako ng may marinig kaming boses mula sa  kung saan. "Oh, gamot iyan sa almuranas ah? Nais mo bang humingi hijo?" Tanong ni lola na nagpatawa sa akin.

"Ahh hindi po!" Dali daling sagot ni Zagan at sinamaan ako ng tingin. Hindi ko parin mapigilang hindi matawa. "Kung ganoon ay samahan niyo na ako sa hapag, luto na ang pagkain." Alok ni lola, at nauna na akong sumunod sa kaniya papunta sa kusina. Kahit nakaupo na kami at kaharap ang pagkain ay hindi ko parin mapigilang hindi mapangiti, pero agad akong napapaseryoso sa tuwing magtatama ang mga mata namin ni Zagan. "May problema ba hija?"

"Wala po lola, iniisip ko lang po kasi ang kapatid ko, mukhang kailangan po talaga niya ang gamot na iyon..."

"Sinabi ko ng hindi ko iyon kailangan, ate..dahil wala akong almuranas" Sabi ni Zagan habang nagpipigil ng galit.

'Sabi mo eh! Hahaha'

"Itong ate ko talaga.." lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Mahal na mahal ako.." sabi niya sabay ipit ng leeg ko. Aray ah! Bilang ganti palihim ko siyang kinurot sa tagiliran niya. "Nakakatuwa naman kayong magkakapatid." Kumento ni lola. Nang hindi na siya nakatingin ay pinandilatan namin ni Zagan ang isa't isa. Pagkatapos ng munti naming asaran ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos ng hapunan ay kinuwento namin kay lola ang ang nangyari kina nanay, nagbabakasakaling makatulong siya.

When I woke upWhere stories live. Discover now