Kabanata 3

21 5 0
                                    


"MRS. THOMPSON"

-Elaisha-

Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na sa katagal-tagal naming magkaklase ng bakulaw na Dexter na yun, eh ngayon pa kami nagkasama sa grupo!

"Naku, subukan lang niya magloko, patay talaga siya sakin!'

Pagkatapos ng klase ay tinipon ko muna ang mga ka-grupo ko bago umuwi. We only have 1 week, para matapos ang film kaya sinimulan na namin ang pagpa-plano na sinang ayunan naman ng lahat. Gumawa ako ng listahan ng mga task at hinati iyon ayon sa bilang namin. May taga gawa ng script, taga hanap ng location, costumes and etc.

Surprisingly, patango-tango lang ang Dexter sa lahat ng iniutos ko na parang mabait na tupa sa kaniyang amo. Kinakabahan ako sa pagtahimik ng bakulaw na ito, mukhang may nilulutong masamang plano. Maging nung uwian ay hindi ako pinagtripan ng mga ulupong na alagad ni Dexter ma taliwas sa nakasanayan na nilang gawin.

"Himala!"

Si Angel ng mapansing payapa ang paligid

"Strange, Hindi naman sa gusto kong nandito sila ah but curious lang, bakit wala sila dito? I mean they used to be here bullying you"

Nagkibit balikat muna ako bago sumagot kay Laura"Sa tingin ko may binabalak si Dexter" Sabay na bumaling sa akin ang dalawa habang naka kunot ang mga noo. Base sa mga facial expressions nila nanghihingi sila ng dagdag information.

"Naging magka-grupo kasi kami sa isang subject..."

"Ano?!"Sabay nilang singhal

"Ang OA ha!" Pabiro kong sabi

"Weh? Di nga?" Pagdududa ni Angel, napailing nalang ako, saka tinuon ang atensyon sa paglalakad

"Huy! Is it true? Wag mo kaming bitinin bruha ka!" Inis na sabi ni Laura. Tinaas ko ang isang kilay dahil sa huling salita niya. Charot! Di ako marunong nun haha

"Oo nga! Mangkukulam ka!" Sabi ko kapareha ng tono niya kanina. Lumaki bigla ang mga mata niya sa sinabi ko

"Wait, diba Magkapareho ang bruha at mangkukulam?" Biglang singit ni Angel at mukhang pinag-iisipan talagang mabuti ang tanong. Hindi naman namin siya pinansin ni Laura.

"Then, pagkatapos?"

"Then na nga, may pagkatapos pa!" Biro ko, na umani ng isang hampas mula kay Laura. Haha

"Ang akala ko magpo-protesta siya kay sir pero Hindi. At first na guluhan pa ako but na realize ko na baka may balak siyang hindi maganda kaya pumayag. Ang bait nga kanina eh, um-oo lang sa mga inutos ko."

'Ang bait daw, pwe!'

"Hindi yan baka! Talagang gagawa yan ng kalokohan!"

"Yah! Gels right, be careful Elle. Yung lalaking yun talaga, makakatikim sakin!"

"Its okay, as long as hindi nun maapektuhan ang grade namin sa project...but if yes, patay siya sakin!"
Buong tapang kong sabi na umani ng palakpak sa dalawa

"Char!! Akala ko magpapaapi ka na naman!

"Stop being so nice once in a while, makakabuti yan sa iyo!"

I smiled. Ibang iba na talaga si Laura ngayon. Dati sabrang soft niyan, pero ngayon natuto na siyang ipaglaban ang sarili niya. Nice? No, siguro mahaba lang ang pasensiya ko.

Sinabi ko sa kanila kung anong klaseng project ang gagawin namin at na excite naman silang dalawa. Ang sabi pa nga nila sasama sila samin sa pag shoot. Nang makalabas na kami sa paaralan ay nagpaalam na Ako sa dalawa. Hindi pa ako uuwi dahil may trabaho pa ako. Tinapunan ko ng tingin ang cellphone ko. May sampung minuto pa ako kaya kalmado lang akong naglakad. Nilalakad ko lang mula sa paaralan hangang sa pinagtatrabahuan ko, nakakatipid na, nakakapag exercise pa ako. Malapit lang naman kasi.

When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon