Kabanata 2

20 6 0
                                    


Devil Smile

-Elaisha-

Gusto ko sanang pitikin ang sariling labi dahil sa pagmumura. Siguro mamaya nalang. Muling naghatid ng pamilyar na nginig sakin ang boses niya

'Ano ba Elle, umayos ka!'

"Y-yes?" Utal kong sagot

"May libro ka ba sa math?" Tanong niya sakin. Wala akong choice kundi ang humarap sa kanya. Labag man sa loob ko ay muling nagtama ang mga paningin namin. Agad akong nag-iwas bago sumagot.

"Oo, bakit?"

Biglang sumilay sa kaniyang mukha ang tuwa, na para bang ako ang matagal ng sagot sa kaniyang dasal.

'Sagot sa kaniyang dasal? Kilabutan ka nga Elle!'

"Talaga? Dala mo ba ngayon?" Puno ng pag-asa niyang tanong. Pero mukhang aasa lang siya sa wala

"Hindi" sagot ko at bumalatay ang lungkot sa kaniyang mga mata. Totoong hindi ko ito dala dahil, hindi naman namin iyon ginagamit sa klase.

"Ahh" sabi niya sabay tango. Pareho kaming nagpatuloy sa paglalakad sa magkaibang direksyon. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan ng makalayo sa kaniya. Makahulugang tingin naman ang inani ko mula sa dalawa kong kaibigan.

"Ayyiiee!!" Si Laura

"Akala ko ba nagmove on na?"
Si Angel

"Why? What did I do?" Patay malisya kong tanong

"Wag ka ng mag deny! Eh halatang may feelings ka pa sa kaniya"

'Tss! Tatlong linggo palang ho ang nakalilipas. Mahirap magmove on!'

Napabuntong hininga ako bago sumagot. " Hindi yun kadali Angel. . . Pero don't worry, I'll get over him soon. Alam ko na ngayon na atensyon ko lang ang gusto niya at hindi ang pagtingin ko."

"So deep! Halatang may pinaghuhugutan." Si Laura

"Buti nagising kana! Katulad kanina, pinapansin ka lang pag may kailangan sayo!" Komento naman ni Angel

'Right. . .'

Isa yon sa mga dahilan kung bakit sinusubukan kong patayin ang nararamdaman ko para kay Yohan. Nakakatawa, wala akong pake sa mga sasabihin ng ibang tao noon, basta ang mahalaga sakin ay si Yohan. I don't care kahit na maubos man ang allowance ko sa kanya, I don't care kahit na he's making me feel unwanted. So Pathetic right?
So unlikely na magkagusto ako sa kanya lalo na't pareho kaming pusong babae, alam ko naman yun sa umpisa pa lang pero siguro, sadyang nabulag lang ako ng feelings ko sa kanya.

'Tsk! Ang hirap palang maging T.A.N.G.A. . . . Pinapaasa mo lang ako kase alam mo na crush kita! Oo na't crush kita! Pambihira oh dati pa! May patanongtanong ka pa kung sino yung nasa facebook status ko...'

"Hoy! Nakikinig ka ba Elle?"

"Ha? Bakit?" Ayan sa sobrang pag-iisip ko napakanta tuloy ako.

"Ang sabi ko, tara na! five minutes nalang oh, mala-late na tayo!"

Nagulat ako sa sinabi ni Angel. Pinakita naman sakin ni Laura ang oras sa cellphone niya at oo nga! Five minutes nalang ang natitira. Ngayon ko lang napansin, nasa garden na pala kami.

'Really? I'm shuk guys!'

"Halos ten minutes kang nag space out" si Laura

"Ahh sige, tara na" sabi ko saka nag peace sign . Hindi parin ako makapaniwala na sampung oras akong wala sa sarili. Hindi naman ako kinulit pa nina Laura dahil sanay na sila sakin. Madalas talaga akong nagsi-space out. Sabay kaming umalis pero nagkahiwalay naman agad. Angel is taking STEM, while Laura is taking ABM. HUMMSS naman ang trak na pinili ko kaya magkakaiba ang mga rooms namin. Kasalukuyan pa la kaming grade 11 sinior high school students. Pagkarating ko sa room ay wala pa ang aming lecturer. Nagtungo agad ako sa aking upuan.

When I woke upWhere stories live. Discover now