Kabanata 16

9 3 0
                                    




Auctioned off

-Elaisha-


Binilisan ko pa ang takbo hanggang sa may mabangga ako. Sa sobrang lakas ng impact ay nag bounce back ako at napaupo sa sahig. Rinig ko na ang mga yabag ng mga bampira, maaabutan na nila ako! Naramdaman kong may humila sa braso ko at nalaman ko nalang nasa likod na ako ng isang malaking puno. Sisigaw na sana ako pero may sang lalaking pumigil sa akin. Napagtanto kong siya ang humila sa akin sa likod ng puno.

"Dito ka lang." bulong niya sa akin at nawala na siya sa paningin ko. Narinig ko ang boses ng mga bampirang humahabol sa akin kaya natutop ko ang bibig upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. "Ginoo, may nakita ka bang isang babaeng napadaan dito?" Sh*t! Isusumbong niya ako!

"Oo, tumakbo siya sa gawing iyon."


'Sabi ko na nga ba eh!'



Hinanda ko na ang sarili upang tumakbo pero narinig kong may nagpasalamat at kasunod noon ang pagtahimik ng buong paligid. Sumilip ako at nagulat ng wala na ang mga bampira tanging ang lalaki nalang at ako. Hindi niya ako sinumbong! Lumabas ako sa pinagtataguang puno at nginitian ang lalaki, lumapit siya sa akin. "Maraming sala.." hindi ko natapos ang sasabihin ng makaramdam ng sakit sa tiyan ko. Nasapo ko ito at naramdaman kong nawalan ng lakas ang katawan ko. Ang akala ko babaksak ako sa lupa pero nasalo ako nung lalaki. Ngumiti siya sa akin ng nakaloloko bago nandilim ang paligid ko.

"Elle, hold on!"

'L-Lorence?'

"She will survive this right? Paano kung.."

"Anong klaseng tanong yan Sophia? Syempre kakayanin niya to!"

'Nicks? Wait..is this...'

"Hangang dito nalang kayo mga bata."

'Ano? Teka sandali..'

"Wait!" Sigaw ko sa wakas pero nagulat ako ng hindi ko na makita ang mga classmates ko. Kinusotkusot ko ang mata ko dahil pawang kadiliman lang ang nakikita ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago nasanay ang mata ko sa dilim.

"Ayos ka lang ba ineng?"

'Huh?'

Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses at napagtanto kong isang babae ang nagsalita. "N-nasan ako? Sino ka?" Kita ko ang awa mula sa mga mata ng babae at parang hindi niya alam kung anong sasabihin. "Nahuli ka rin nila ineng." May sumagot pero hindi iyon galing kay ate kundi sa isang lalaki. Nangunot ang noo ko at namuo ang pawis doon. Iaangat ko na sana ang kamay ko para punasan iyon pero hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa akin. Napagtanto kong nakagapos ang mga gamay ko sa likod, tanging ang mga paa ko lamang ang malaya.

'Anong nangyayari?'


Nabalot ng kaba ang buo kong sistema at agad akong napatayo. Inilibot ko ang paningin sa palagid at nanlaki ang mga mata ko ng mapansing madami rin kaming nakagapos. Sinubukan kong makawala mula sa pagkakagapos kaso sa bawat paghatak ko ay sumasakit lang ang palapulsuhan ko. "Huwag mo ng balaking tumakas pa ineng dahil wala ring saysay. " Rinig kong sabi ng isang matanda, binalewala ko iyon. Ang lakas ng pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga.

When I woke upDonde viven las historias. Descúbrelo ahora