Kabanata 9

14 6 0
                                    


Tell me

-Zagan-

Gaya ng inaasahan ko, nagulat si Elle sa ipinagtapat ko. Marahil tuluyan ngang nabura sa kaniyang alaala ang tungkol sa mga bagay-bagay. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung paano siya nawalan ng alaala. Wala ring ideya si Elle. Ang sabi niya basta nalang daw siyang nagising sa gubat na walang ibang matandaan kundi ang kaniyang ngalan lamang. Kasalukuyan naming binabagtas ang daan pabalik. Nagsisilbi naming ilaw ang aking apoy. Tahimik si Elle na para bang kay lalim ng kaniyang iniisip.

Hindi kalayuan ang aming tinitirhan sa kagubatan ng Azera kaya mabilis kaming nakauwi. Nadatnan namin si inay na inilalapag ang mga pagkain sa mesa. "Nandito na po kami!" Pagbati ko pero nagulat ako ng makatanggap ng kurot kay inay

"Ikaw bata ka! Saan mo dinala si Elaisha ha? Alam mo naman ang kundisyon niya, paano kung may nangyaring masama?" Tanong niya habang patuloy akong kinukurot sa tagiliran.

"Aray! Nay naman! Anong bang akala niyo sakin? Hindi ko naman papabayaan si Elle !" Sasagot na sana si inay ng biglang tumawa si Elle. Pareho kaming napatulala sa kaniya.

"Ayos lang po ako nay..dinala po ako ni Zagan sa gubat, pinaliwanag lang po niya na mababait ang mga Teran."
Paliwanag niya. Agad kong dinagdagan

"Kita niyo na nay? Teka... tama ba ang aking narinig? Tinawag mong nanay ang aking ina?" Baling ko kay Elle pero nagkibit balikat lang siya.

"Ako ang nagsabing tawagin niya rin akong nanay. Bakit may angal ka Zagan?"

'Ayos ah!'

"Wala naman po" napapahiya kong sagot. Nilapitan niya si Elle at niyakap.

'Ako yung anak pero siya yung may yakap?'

Padabog akong umupo sa hapag kainan. Tinawanan lang ako ni inay at Elle. Bakit kaya sila ganito sa akin? Ito namang si Elle, nakikisakay pa sa pang-aaway sa akin ni inay. Kawawa na ako.

"Nay? Nalaman kong kayang kontrolin ni Zagang ang apoy, may kakayahan din po ba kayo tulad niya?" Tinapunan ako ng nanlilisik na tingin ni nanay bago muling bumaling kay Elle

Ang napag-usapan kasi namin ay dadahan-dahanin namin ang pagpapaliwanag kay Elle dahil baka maulit yung nakaraan na nagsisisigaw siya at umiiyak. Nadulas kasi ako kaya heto.. mukha namang ayos lang si Elle.

"Oo anak, pero hindi ko tinataglay ang elemento ng apoy. Hangin ang sa akin." Pagtatapat ni inay. Ipinakita niya kay Elle ang kaniyang mahika. Biglang nagsayawan ang mga kurtina ng umihip ang hangin. Nakakitaan ko naman si Elle ng pagkamangha.

"Bakit ngayon niyo lang ito sinabi nay?"

"Ayaw kasi naming biglain ka anak. Pero... itong magaling na si Zagan ay sinabi na pala sa iyo.." hinablot ni nanay ang kaliwang taenga ko

"Masakit nay! Nadulas nga lang ako, nadulas" hindi naman talaga iyon masakit, nagdadrama lang ako para kaawaan ni nanay. Nagtagumapay naman ako ng bitawan na niya ang aking taenga. Muling natawa si Elle

"Anak?" Nag angat ako ng tingin kay nanay pero nakatuon ang pansin niya kay Elle.Ay, akala ko ako. " Maaari ka ba naming makasama sa hapag?"

"Ummh.. sige po kung ayos lang sa inyo. " nahihiya niyang tugon

Ngayon lang siya sasabay sa pagkain. Masaya akong kahit papano nagiging maayos na rin siya, hindi katulad noong mga nagdaang araw na lagi lang siyang nagkukulong sa silid, Hindi nakakausap, laging tulala tapos kung minsan hindi pa siya kumakain.

When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon