Kabanata 8

16 6 0
                                    

Fire

-Elaisha-

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magising ako. Nung nagka emotional breakdown ako, pinakalma ako ni Zagan. Hindi ko nga maisip kung paano ko nagawang kumalma ng mga oras na iyon gayong halos mabaliw ako sa kaiisip kung anong nangyayari. Nung kumalma na ako ay isang buong araw akong nagkulong sa kuwarto. Dinadalhan ako ng pagkain ng mama ni Zagan pero hindi ko iyon kinain. Masyadong occupied ang utak ko ng mga bagag-bagay. Gaya ng kung bakit at paano ako napunta sa lugar na ito, sa lugar kung saan malayo sa isang innovative society. Nag-isip akong mabuti dahil wala namang mangyayari kung magpa-panic ako. Thinking about all the odd circumstances  led me to the most stupid conclusion ever!


Alam kong pagtatawanan ako nina Angel at Laura pag narinig nila to. Sa tingin ko kasi, may kakaibang nangyari noong nahulog ako. Parang.. para bang  bigla akong napunta sa ibang mundo? At nung nawalan ako ng malay doon sa gubat tila ba nakabalik ako sa real world. I even saw my groupmates! Akala ko panaginip lang or isang illusion ang lahat dahil marahil nabagok ang ulo ko sa semento or something, pero paggising ko, nandito parin ako sa kakaibang lugar na ito. Mahirap paniwalaan at talagang nakakabaliw! There is only one thing that's keeping my sanity and that is the thought na makakabalik pa ako. I believe na kung nagawa kong makabalik noon nung nawalan ako ng malay, magagawa ko ulit iyon. Kaso ang problema... dalawang araw na ako dito, dalawang araw ko ng sinusubukang makabalik. At first akala ko, kailangan ko lang matulog at kapag nagising na ako ay
Boom! Nakabalik na ako! Pero hindi eh! I'm still figuring out kung papaano makakabalik o magigisng kung isang mang masamang bangungot ang lahat.

"Huwag mong pilitin anak. Kusang babalik din ang memorya mo." Natigil ako sa pag-iisip at bumaling kay aling Jalaiya. Hindi ko siya sinagot at ngumiti nalang. Buong akala nila nagka amnesia ako. Naisip kong makabubuti kung sumakay nalang. Hindi ko namam  pwedeng sabihin na'hi! Galing ako sa ibang mundo'
Tinabihan niya ako sa kama at sinuklay ang nakalugay kong buhok gamit ang mga daliri niya.


"Maaari kang dumito muna sa amin hanggat gusto mo" parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.


"Thank...M-maraming salamat po aling Jalaiya" napakagat labi ako ng muntik ko ng masabi ang 'thank you' sa ilang araw ko kasing pananatili dito nalaman kong hindi sila marunog ng salitang inggles. Bakas naman sa mukha ni aling Jalaiya ang gulat. Ngayon lang kasi ako tumugon sa kaniya


"Walang anuman anak, pero sa isang kundisyon" nagpantig ang mga taenga ko at nakaramdam ako ng kaba. Oo nga naman Elle sa panahon ngayon wala ng libre" A-ano po iyon? Sabihin niyo lang po, kaya ko po ang kahit ano, maghugas ng pinggan, maglaba, magluto..." hindi ko na natapos ang sasabihin dahil biglang tumawa ang ale.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin anak. Bisita ka, hindi katulong. Ang nais ko lamang ay huwag mo na akong tawaging aling Jalaiya." Nakahinga ako ng maluwag atsaka nahihiyang ngumiti. "Sige po.."

"Kung gusto mo, pwede mo rin akong tawaging nanay." Nanlaki ang mga mata ko kaya dali dali niyang dinugtungan ang sinabi "Kung ayos lang naman sayo, pero kung hindi ka kumportable...."

"Ayos lang po! N-nay" tila ba ngayon lang uli lumabas sa bibig ko ang huling salita. It's so foreign. Hindi ako makapaniwalang may tatawagin uli ako ng ganoon. Lumawak ang ngiti sa labi ni nanay Jalaiya at ginawaran niya ako ng isang mahigpit na yakap. Nang pakawalan na niya ako ay hindi ko mapigilang hindi magtanong.

When I woke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon