Chapter 57

147 51 0
                                    

🌹Let me love you, tomorrow


SPECIAL CHAPTER

BACKSTORY OF ADEY X TAHLIA

February 2014

THIRD PERSON


Paggulong sa putik. Matinding pag eehersisyo ng katawan. Sampung kilomentrong takbo at ang pagtalon sa may higit 10 ft na lalim na tubig ang araw araw na kinakaharap ng mga binatang cadets sa isang kampo sa Maynila. May tikas, lakas at taas noong suot-suot ang kanilang
army combat clothing, military hats at ang kanilang tactical combat gloves.

"AISH! Grabe! Gusto ko nang sumuko!" pagrereklamo ng isang binatang cadet ng matapos silang i-dismissed ng kanilang Police Trainer.

"Ulol mo! Miss mo lang jowa mo! HAHAHA" pagsingit pa ng isa.

Napahilamos naman ng mukha sa kapaguran ang binatang si Adey habang pinapakinggan ang mga hinaing ng mga kapwa niya kasama sa kampo.

"Oh. Ikaw pare, kamusta na pala ang kapatid mong may dengue?" pagtatanong ng isa pang kasamahan ni Adey na si Paulo.

"Naka-confine pa rin sa hospital. Hindi maganda lagay ng kapatid ko, Tol." tugon ng isa pa nilang kasamahang cadet kay Paulo.

"Halos mag-iisang buwan na 'yan diba? Grabe." pagkomento ng isa.

Napailing na lang ang binatang si Adey sa kanila at tinapik sa balikat ang kasamahan nitong binatang kasalukuyang may sakit na dengue ang nakababatang kapatid.

"Idaan niyo na lang sa dasal. Gagaling din 'yan." wika ni Adey sa kanya at tumayo na sa pagkakasalampak sa lupa. Sumunod naman sa kanya ang apat na kasamahan nito sa kampo na hindi matigil sa mahinang pagtawa.

"Alam mo, dapat nag-pari ka na lang, Tol. Bagay pa sa'yo 'yon! HAHA!" biro ng isa kay Adriel at sinang-ayunan naman ng mga kasamahan nito.

"Oo nga, Pare. Dumagdag ka na lang sa mga binatang semenarista! HAHA!" pagsingit pa ni Paulo sabay akbay sa kaibigang si Adey.

Natatawang pinagbabatok naman ng ulo ni Adey ang mga kasamahan nito at kumaripas na ng takbo pabalik sa kanilang pansamantalang tinutuluyan na maykalakihang tolda.

Alas-diyes na nang umaga, kakatapos lamang nilang sumabak sa pang araw-araw na takbo ng kanilang training at ngayong oras na ito ay nagsisilbing pahinga ng mga binatang cadets, hihintayin na lamang nila ang pag-apak ng alas-dose para sa kanilang tanghalian na sumasabak din sa paspasang pagsasanay.

"Oh. Saan ka pupunta? Huwag mong sabihing tatakas ka na naman?" pagtatanong ni Paulo sa kaibigang si Adey na ngayo'y hawak-hawak ng binata ang isang may kaliitang Art board canvas, mga paint brush at mga painting oil colors.

Saglit na sinulyapan ni Adey ang tatlong kasamahan nilang tahimik na umiidlip ng tulog. Ibinalik nito ang tingin kay Paulo. "Pare. Hindi naman krimen ang ginagawa ko. Sige na, ikaw na bahala sa'kin ah." saad ni Adey saka na ito lumabas sa tolda at nakangiting kumakaway sa kaibigang si Paulo.

Gaya ng nakagawian. Tumungo ang binata sa isang maaliwalas at tahimik na lugar sa itaas ng isang maliit na bulubundukin kung na saan nakapwesto ang kani-kanilang kampo.

Ilang minuto nitong inakyat ang mabatong daan, nang tuluyan na itong makaakyat sa itaas ng burol ay tumambad sa kanya ang napakagandang kalupaang natatanaw nito sa buong paligid. Napapaligiran ito ng matatayog na mabeberdeng puno, mga huni ng iba't-ibang ibon sa itaas ng kalangitan at ang kalmadong pakiramdam na bigay ng hangin sa paligid.

Fallen Flower Where stories live. Discover now