Chapter 38

224 121 79
                                    

🌹The fall of a flower


FLASHBACK  2014

AERIN


Pagkadilat ng mga mata ko ay nagtataka kong napatingin sa puting kisame. Nakakunot-noo kong pinapakinggan ang ingay sa labas. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nahihirapan ako.

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at tumambad si Manang Cora na may bitbit na almusal.

Pinilit kong umayos sa pagkaka-upo.

"Manang? Sa baba na lang---"

"Anak, dito ka na lang muna kumain ha." aniya.

"Manang, sa baba na lang po sabi ako kakain."

"Anak, di---"

"Tawagan mo ang anak mo, sabihin mo sa kanya uuwi na siya ngayon din!"

"NO! Adey is fine! Masyado kayong nag-aalala sa kanya! Kaya niya ang sarili niya, don't worry honey... He's doing good."

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at napahawak sa railings ng hagdan habang tinatanaw sina Mama't Papa na nag-aaway na naman.

"Kapag hindi pa nakauwi ang anak mo ngayon, iiwan ka namin ng mga anak ko at kukunin ko rin si Adey sa'yo!"

"Then do it! Iwan niyo ako!"

"Oo! Talagang iiwan ka namin!"
muling sigaw ni Mama.

"Ama ka! Pero hindi mo ba napapansin ang anak mo? Hindi na maganda ang kalagayan niya 'don! Nakikita mo ang katawan at pagmumukha ng anak mo ha?! He's like dying! Hindi na siya naiingatan ng maayos doon!" saglit na tumigil si Mama, pinunasan ang mga luha nito sa mukha.

"Huwag mong hayaang mawala kami sa'yo..." sabi pa ni Mama.

Hinagkan ni Papa si Mama. "Oo, iuuwi ko na siya ngayon din. Please Honey, huwag ka nang mag-alala, asikasuhin mo si Aerin dito, ako na ang bahala kay Adey." dinig kong sambit ni Papa at nagmadali nang lumabas ng bahay.

Bumaba ako at niyakap ang umiiyak na si Mama, sumilip kami sa bintana at tinanaw ang papaalis na kotse ni Papa.

Mabilis na lumipas ang araw, at bawat paglipas ng araw lalong lumalala ang pag-aaway nina Mama at Papa.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Wala rin akong ideya kung kailan matatapos ang hidwaan nilang mag-asawa.

"Mama, konting tiis na lang... Isang linggo na lang, Ma. Uuwi na si Kuya Adey."

Basta ang alam ko lang, gustong gusto na ni Mama na makauwi si Kuya Adey.

Well, ako rin naman gusto ko nang umuwi na si Kuya, pero wala naman akong magagawa dahil hindi pa tapos ang training nila, and besides 1 week na lang uuwi na siya, hindi ko lang talaga maintindihan si Mama ngayon, biglang nagbago ang ihip ng hangin at hinahanap na si Kuya.

Fallen Flower Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon